Arts 5 Pagpipinta : Kagandahan Ng Hiyas Ng Bayan Ikalawang Markahan-Ika-3 Linggo
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Kagawaran ng Edukasyon Arts 5 Pagpipinta : Kagandahan ng Hiyas ng Bayan Ikalawang Markahan-Ika-3 Linggo Lorena E.Estigoy Manunulat Eden G Cado Ma. Cristina G. Bagas Tagasuri Wilson F. Pascual Edison C. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad g Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Inaasahan Aralin 1: Mga Likas at Makasaysayang Lugar sa Pilipinas nakabilang sa Pandaigdig na Pamanang Sining. Layunin: Natatalakay ang mga likas at makasaysayang lugar sa isang komunidad bilang pandaigdig na pamanang pook. Aralin 2 : Mga Tanyag na Pintor at Istilo ng kanilang Pagpipinta . Layunin: Nakikilala ang mga tanyag na Pilipinong Pintor at estilo ng kanilang likhang sining. Aralin 3: Harmonya sa paglikha ng Landscape Painting gamit ang Complimentary Colors Layunin: Nakapapipinta ng isang landscape painting gamit ang sariling istilo sa pagpipinta at naipapakita ang harmonya gamit ang complimentary colors . Unang Pagsubok Panuto: Punan ang puwang upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin at bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Isa sa mga pambihirang tanawin na makikita sa bulubundukin ng Cordillera ay ang______. A. Rice Terraces C. Paoay Church B. Batad D. Landscape ng Batanes 2. Ang Cordillera ay matatagpuan sa ______na bahagi ng Pilipinas. A. Hilaga C. Kanluran B. Timog D. Silangan 3. Ang Rice Terraces ay kabilang sa pinarangalan bilang Pandaigdig na Pamanang Pook o World Heritage Site ng_____ A. UNESCO C. Gawad Parangal B. National Library D. Pangulo ng Pilipinas 4. Ang Rice Terraces ay madalas paksa sa mga likhang sining. Ang tawag sa mga likhang –sining na nagpapakita ng likas na tanawin ay_______ A. Landscape painting C. Abstract painting B. Mural painting D. Sketching 5. Ang ______ o pagkakaisang diwa ay ang maayos at kaakit-akit na pagkakaayos ng mga kulay at iba pang elemento ng sining tulad ng nga linya at hugis upang makalikha ng magandang kabuuan. A. Harmonya C. Abstrak B. Tekstura D. Color wheel 6. Kilala siya bilang unang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Ang mga likhang-sining niya ay tungkol sa magagandang tanawin sa bansa. A. Fernando Amorsolo C. Carlos Francisco B. Hernando R. Ocampo D. Benedicto Cabrera 1 7. Ang estilo ng pagguhit niya ay mga abstrak o likhang-sining na ipinahahayag sa pamamagitan ng mga hugis, linya o walang kahugis. Sino ang kilalang Pilipinong pintor na ito? A. Fernando Amorsolo C. Carlos Francisco B. Hernando R. Ocampo D. Benedicto Cabrera 8. Si Carlos V. Francisco ay kilala bilang modernistang pintor. Alin sa mga sumusunod ang kaniyang obra? A. Rice Planting C. Harana B. Three Women D. Mother and Child 9. Ang estilong ito ng pagpipinta na tumutukoy sa mga likhang-sining na makatotohanan. Halimbawa rito ay ang “Rice Planting” ni Fernando Amorsolo. A. Konserbatibo C. Abstract B. Moderno D. Semi-abstract 10. Ang estilo ng pagpipinta na kung saan ang paglalarawan ay hindi nilalagyan ng detalye. A. Konserbatibo C. Mural B. Moderno o Abstract D. Semi-abstract Balik-Tanaw Panuto: Tukuyin ang tamang salita o mga salitang inilalarawan sa pangungusap. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa patlang. Asymmetrical balance Symmetrical balance Contour shading Contour Line Cross-hatching 1. Sa desinyong ito ipinapakita ang mga bagay na makikita sa kaliwang bahagi ay katulad din ng mga bagay na makikita sa kanang bahagi. Tinatawag itong pormal na uri ng balanse. ______________________________ 2. Ang mga bagay sa magkabilang bahagi ay hindi magkatulad ngunit parehas mahalaga upang mapanatili ang pagkapantay ng bagay. Tinatawag itong di- pormal na balanse. ______________________________ 3. Isa itong paraan ng shading kung saan paulit ulit ang pagguhit ng pinag-krus na linya. ______________________________ 4. Ang paraan ng shading na ito ay nagagawa sa pamamagitan ng patagilid na pagkiskis ng lapis o iba pang gamit pangguhit. Ginagamit ito sa gilid upang maipakita ang hugis nito. ______________________________ 5. Ito ang tawag sa linya na sumusunod sa hugis ng bagay na iginuguhit. Karaniwang ginagamit ng mga baguhan sa sining ng pagguhit. ______________________________ 2 Pagpapakilala ng Aralin Aralin Ang Mga Likas at Makasaysayang Lugar sa Pilipinas na Kabilang sa Pandaigdig na 1 Pamanang Pook Rice Terraces ng Cordillera Isa sa mga pambihirang tanawin na makikita sa mga bulubundukin ng Cordillera, sa hilagang bahagi ng Pilipinas, ay ang mga RiceTerraces. Ang Banawe Rice Terraces ay may 2000 taong gulang na. Ito ay nililok sa mga bulubundukin ng mga Ifugao sa Pilipinas ng mga ninuno ng mga katutubong mamamayang Batad. Karaniwang tinatawag ito ng mga Pilipino bilang“Ikawalong Kahangahangang Pook sa Mundo. Tinatawag itong payew sa katutubong pananalita sa Ifugao. Pinarangalan ito bilang Pandaigdig na Pamanang Pook o World Heritage Site na United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization ( UNESCO) Paoay Church Kilala rin bilang Simbahan ng San Agustin, ang Simbahang Paoay. Ito ay matatagpuan sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte. Isa ito sa apat na simbahang Baroque ng Pilipinas na napabilang sa talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO noong 1993 dahil sa pambihirang estilong pang –arkitektura. Miag-ao Church Ang Simbahang Miag-ao (miyág-aw) ay isa sa apat na simbahang Baroque ng Filipinas na naitala sa Talaan ng Pamanang Pandaigdig ng UNESCO noong 1993. Tanawin ng Batanes Ang Batanes ay isang kakaibang lugar dahil sa kultura at kalikasang tanging kanila lamang. Ang Batanes ay grupo ng mga isla na tinatawag na Mga Isla ng Batanes(Batanes Islands) at ang mga ito ay nasa dulong hilagang bahagi ng Pilipinas. Ang mga isla ay nasa pagitan ng (nasasakop ng Probinsiya ng Cagayan) at Taiwan. Ang mga islang ito ay may kaunting naninirahan at madalas na daanan ng mga bagyo. Ang tatlong malalaking isla ay ang Itbayat, Batan, at Sabtang. Ang nasa pinakadulong hilaga naman ay ang Isla ng Mavudis Callao Cave ng Cagayan Ang Callao Cave ay matatagpuan sa Barangay Magdalo at Quibal ng Peñablanca, sa layong 24 kilometro mula sa capital city ng Tuguegarao, Cagayan. Ang Callao Cave ay may pitong chamber na ang bawat isa ay may butas 3 sa itaas na nagbibigay liwanag sa madilim na bahagi ng kuweba. Isa sa highlights ng chamber ay ang malawak na entrance ng kuweba at bubungad ang cathedral- like room na ginawang chapel. Lumang Bahay sa Vigan Ang Calle Crisologo o Kalye Mena Crisologo sa Meztizo District ay isa pinakamahalaga at pinaka pangunahing lugar sa Vigan. Ito ay dinarayo ng maraming Turista. Ang kabuuan ng pamanang pamayanan ng Vigan ay bahagi ng iniingatang mahalagang lugar ng kultura at kasaysayan sa buong mundo ng UNESCO bilang isang Pandaigdig na Pamanang Pook. Torogan ng Marawi Ang Torogan ay isang tradisyunal na bahay na itinayo ng mga Maranao sa Lalawigan ng Lanao sa Mindanao. Ang Torogan ay isang tanda ng mataas na katayuan sa lipunan. Aralin Mga Tanyag na Pintor at Istilo ng 2 kanilang Pagpipinta Fernando C. Amorsolo “Planting Rice” Si Fernando Cuero Amorsolo ay isa sa pinakakilalang Pilipinong Pintor at ang unang Pambansang Alagad ng sining ng Pilipinas. Kilala siya para sa kanyang dibuho na ipinapakita ang kagandahan ng Pilipinas, lalo na ng nga babaeng Pilipina. Rice Planting scene at Making of the Philippine Flag ang ilan sa mga sikat niyang paintings na nagpapakita ng society portraits at Philippine history. Carlos “Botong” Francisco “ HARANA” 4 Si Carlos “Botong” Francisco ay kabilang sa unang hanay ng mga guro sa UST School of Architecture and Fine Arts. Isa siya sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahe, sagisag, at idyoma sa pagpipinta. Ang “Harana” ay isa sa mga likhang-sining nya. Kilala si Carlos Francisco sa pagpipinta ng mga “murals”. Benedicto Reyes Cabrera “Three Women” Si Benedicto Reyes Cabrera o kilala bilang si Bencab ay isang pintor at kabilang sa Pambansang Alagad ng Sining. Kilala sya sa sining biswal hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Makikita sa kanyang mga likhang-sining ang masining na pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong- lalo na tungkol sa mga Pilipino, saan mang panig ng mundo. Hernando R. Ocampo “Mother and Child” Kinilalang Pambansang alagad ng Sining noong 1991 si Hernando R. Ocampo. Isa sa mga naunang modernong pintor sa Pilipinas. Tanyag siya sa mga gawang abstrak. Ang “Mother and Child” ay isa sa kanyang mga likhang-sining. May tatlong pamamaraan o estilo ng paghahatid ng mensahe ang mga pintor : konserbatibo, moderno o abstract at semi-abstract. Ang konserbatibo ay tumutukoy sa mga likhang-sining na makatotohanan. Ang mga bagay na nakikita sa tao, bagay, hayop o halaman, sa anyo, ayos at proporsyon. Ang likhang –sining ni Fernando Amorsolo na “Rice Planting” ay isang halimbawa ng estilong konserbatibo. Ang moderno o abstract ay paglalarawan na hindi nilalagyan ng detalye. Maaring ang likhang-sining ay ipinahahayag sa pamamagitan ng mga hugis, linya o walang kahugis (abstract). Si Hernando R. Ocampo ay tanyag sa paglikha ng mga abstract painting. Ang semi-abstract ay hindi lubos na makatotohanan subalit ang mga bagay na ipininta ay kahawig pa rin ng tunay na bagay o tao bagaman may kaunting pagbabago ay may bahagi na hindi matatagpuan sa tunay na bagay. 5 Aralin Harmony sa Paglikha 3 ng Landscape Painting Ang harmony o pagkakaisang diwa ay maayos at kaakit-akit na pagkakaayos ng mga kulay at iba pang elemento tulad ng linya at hugis upang makalikha ng magandang kabuuan. Alam mo ba na sa paggamit ng wastong kumbinasyon ng kulay ay maipakikita ang harmony sa pagpipinta ng landscape. Landscape ang tawag sa pagpipinta ng magagandang tanawin. Sa pagguhit at pagpinta ng magagandang tanawin kinakailangan ng sapat na kaalaman sa paggamit ng guhit at kulay. Nabibigyan ng mga ito ng buhay ang ating likhang –sining kung gagamitan ng complimentary colors Pag-aralan ang color wheel Ang complimentary colors ay ang mga kulay na magkasalungat sa color wheel.