Mga Nilalaman
Total Page:16
File Type:pdf, Size:1020Kb
Mga Nilalaman Mensahe .............................................................................................................................................................. 2-3 Ulat ng Lupong Patnugutan ...................................................................................................................... 4-25 Ulat ng Lupon sa Pag-utang .................................................................................................................. 26-27 Ulat ng Lupon sa Awdit ..................................................................................................................................... 28 Ulat ng Lupon sa Halalan ................................................................................................................................ 29 Ulat ng Lupon sa Mediation and Conciliation ......................................................................................... 30 Ulat ng Advisory Council ................................................................................................................................. 30 Ulat ng Lupon sa Edukasyon at Pagsasanay .................................................................................. 31-38 Ulat ng Pamunuan ng Kapulungan ng mga Pook-Tulungan Lider (PKPTL) ................................ 39 Membership Profile ........................................................................................................................................... 40 Talaan ng mga Pook-Tulungan Lider 2013-2014 ............................................................................. 41-46 Audited Financial Report of SDCC ......................................................................................................... 47-85 Audited Financial Report of EDSD ........................................................................................................ 86-119 Highlights of Operation .................................................................................................................................. 120 Statistical Growth Trend 1961-2013 .......................................................................................................... 121 Ulat ng mga Kasaping Namatay at Benepisyong Natanggap ............................................... 122-123 Pamunuan ng SDCC (Constitutional & Non-Constitutional Bodies) .................................... 124-129 Mga Kawani ng SDCC .............................................................................................................................. 130-136 EDSD Officers and EDSD List of Teaching and Non-Teaching Staff ............................................... 137 Balik Tanaw ............................................................................................................................................... 138-140 Ang Pabalat Ang susi ay simbolo ng pag-asa sa masaganang buhay ng mga kasapi na makakamtan sa pag-unlad at pagdami ng kasapian na may mulat na pananaw sa kooperatiba. Ang susi sa masaganang buhay ay nakasalalay sa mga kasapi at patuloy na edukasyon. Ang paglaki ng mulat na kasapian ay paglaki at pag-unlad din ng samahan. Ang maunlad na samahan ay katumbas ng maraming serbisyo na makakatulong sa pag-angat ng kalagayan ng mga kasapi. Ang Pantaunang Ulat 2013 ay magkakatulong ng ginawa nina: Cielito L. Garrido, Maricris D. Bautista, Vivian C. Alcantara, Nelson D. Yeban, Jr., Elenita C. Sanchez, Emmy R. Salvador, Ma. Nanette D. Bernardo, 1 Cirilo O. Fernandez, Jr., at Marites M. Sanchez, bilang Tagapangulo ng Pantaunang Ulat 2013. Mensahe Isang taos-pusong pagbati sa lahat ng bumubuo at taga-suporta ng San Dionisio Credit Cooperative. Ang mga pangunahin nating naisakatuparan noong taong 2013 ay nakalahad sa hiwalay na Ulat ng Lupong Patnugutan. Para naman sa mensaheng ito, pahintulutan ninyo akong bigyang-diin ang ilang mga direksyon natin para sa taong kasalukuyan, na napapailalim sa lima nating Flagship Program. Sa ilalim ng Account Management/Member Relationship Management Program: LIPS (Liquidity, Increasing Growth, Profitability, Solvency) –lalong palalakasin ang kakayahang: harapin ang pandaliang obligasyon” (Liquidity), lumago at umunlad (Increasing growth e.g. membership), kumita (Profitability) at bayaran ang pangmatagalang obligasyon (Solvency) PAR (Portfolio at Risk) – pababain ang PAR sa pamamagitan ng pagpapababa ng delinquency; kung isang milyong piso, halimbawa, ang utang ng isang kasapi, kapag di sya nakabayad ng kahit na piso sa takdang panahon, ang buong isang milyong piso ay papasok sa PAR PESTEL (Political, Economic, Socio-cultural, Technical, Environmental, Legal) – pangkabuuang pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng mga kasapi at kanilang komunidad BEEF (Business, Employment, Education, Food) – kikilalanin ang mga kasaping tinataguriang “marginalized” (hirap sa buhay) at sisikaping bigyan ng karampatang ayuda (ito ba ay sa pagsisimula ng maliit na negosyo (Business)? sa paghahanap ng empleyo (Employment)? Sa pagpapatapos ng isang anak para mas madaling makakita ito ng trabaho (Education)? o simpleng kailangan ng makakain sa hapag- kainan ang buong pamilya (Food)? SHEPHERD (Safe Haven, Environment Protection, Holistic & Energetic Response to Disasters) – kahandaan sa mga kalamidad lalo na sa matinding pagbaha Sa ilalim ng Leadership Succession & Career Development Program: Bukod sa Members in Good Standing (MIGS), pagpapatupad ng mga bagong batayan para sa mga Leaders of Good Standing (LOGS), Committees of Good Standing (COGS), Quality Member-Applicants (QMA) at Quality Leader-Applicants (QLA) at aalamin kung sino sa hanay ng mga kasapi at opisyales ang papasa sa mga batayang ito. Sa ilalaim ng Competency-based Education Program: Pagsasagawa ng mas malalim na Training Needs Analysis (TNA) na pagdadaanan ng mga Quality Leader-Applicants (QLA) CeC (Community e-learning Center) – para sa mga out-of-school youth at adults sa hanay ng ating mga kasapi. Kaugnay nito ay ang CARE (Cooperative Alliances Reinforcing Education). Sa ilalim ng Strategic Alliance Program: icd-ScoPE (integrated cooperative development for a Supply Chain of Paranaque Enterprises) – pagtutulungan ng mga kooperatiba sa Paranaque upang mapagsama-sama ang mga pangangailangan sa bigas, asukal, mantika, karne atbp upang makakuha ng mas malaking diskwento sa mga suppliers Tripod IPE (Information, Participation, Execution) – ito ang framework ng pakikipag-ugnayan natin sa LGU at iba pang organisasyon; na ang batayan ay pagpapalitan ng impormasyon, de-kalidad na pakikilahok at masusing pagpapatupad Sa ilalim ng Branding Program: Paiigtingin ang pagsasabuhay at pagpapalaganap ng tatak na “WISE MENTOR”, na isang malaking basehan para sa ating “Code of Ethics” at “Code of Conduct” Naniniwala ako na magagawa nating lahat ito kung tayo ay magtutulungan. Sapagka’t ang tunay na diwa ng kooperatibismo ay umiikot at nabubuhay sa pagtutulungan. Mabuhay ang SDCC! GARIBALDI O. LEONARDO, Ph.D. 2 Tagapangulo Mensahe Isang mapagpalang pagbati sa lahat ng bumubuo ng San Dionisio Credit Cooperative (SDCC), mga kasapi, opisyales, kawani at mga katuwang sa pagbibigay ng serbisyo sa loob ng nagdaang taon. Ang SDCC ay tunay na umunlad at lumaki sa larangan ng paglaki ng ari- arian, kasapian at mga serbisyong naibibigay sa mga kasapi at komunidad, sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaanan sa loob ng 52 taon. Sa ating mga taga-SDCC, tayo ay natutuwa sa paglago ng ating pinansiyal na yaman, ngunit higit nating pinahahalagahan ang pag-unlad ng tao, ng mga kasapi. Sa bawat gawain ay lagi nating gabay ang ating mataas na layunin na mapaunlad ang kalidad ng pamumuhay ng mga kasapi at komunidad at pagbalanse ng mga hangarin sa aspetong pang sosyal at pinansiyal. Sa taong 2013, masasabing balanseng naisakatuparan ang ating mga hangarin. Ang ating total asset ay umabot na sa Php 1.02 Billion mula sa Php 870 M o pagtaas ng 18.16% noong 2012, savings at time deposit na Php 632 M mula sa Php 490 M o pagtaas ng 28.97% , share capital na Php 263 M mula sa Php 247 M o pagtaas na 6.47% at Reserve Fund na Php 31.75 M mula sa Php 29.29 M o pagtaas ng 8.39%. Bagama’t ang ating linis na kita sa taong ito ay Php 12.06 M mula sa Php 29.54 M o pagbaba na 58.49% mula sa taong 2012. Ang ilan sa mga kadahilanan ng pagbaba ng linis na kita ay mas maraming kasapi ang umutang noong 2012, Php 119.60 M na mas malaki kaysa 2013 at ang paglilinis natin sa ating pagpapautang upang unti-unting lumiit ang ating Portfolio at Risk (PAR), kasama na ang pagpapalakas ng ating allowance for probable losses. Ngunit ito ay indikasyon na mas “quality loan” ang ating pinagtuunan, ang mga kasapi ay hindi mangungutang kung walang mahigpit na pangangailangan at patuloy nating tinutulungan ang mga kasapi na makaahon sa kanilang pagkakautang sa pamamagitan ng mga paluwag. Tunay na sa simula ay bababa ang ating linis na kita, ngunit ito naman ay mangangahulugan ng mas matatag ang kooperatiba sa pangmatagalan Para naman sa ikadadagdag ng linis na kita, nakatulong diyan ang mga serbisyong dati pa natin inumpisahan gaya ng Escuela De San Dionisio, Botica De San Dionisio at nito lamang Disyembre ay pagbubukas natin ng Chopstop (franchise restaurant). Sa larangan naman ng mga gawaing pang komunidad ay patuloy nating isinasagawa ang mga libreng serbisyo sa ating kooperatiba gaya ng libreng gamutan, medical mission, pagtulong at pakikilahok sa mga gawain sa paaralan (aflatoun, brigada eskwela, pag-sponsor sa washing area sa paaralan). Kasama pa riyan ang pakikilahok natin sa gawaing pampolitikal, pangkalikasan at