Ang Kasaysayan ng MGA PATRIARKA at MGA PROPETA Ellen G. White 1995 Copyright © 2012 Ellen G. White Estate, Inc. Information about this Book Overview This eBook is provided by the Ellen G. White Estate. It is included in the larger free Online Books collection on the Ellen G. White Estate Web site. About the Author Ellen G. White (1827-1915) is considered the most widely translated American author, her works having been published in more than 160 languages. She wrote more than 100,000 pages on a wide variety of spiritual and practical topics. Guided by the Holy Spirit, she exalted Jesus and pointed to the Scriptures as the basis of one’s faith. Further Links A Brief Biography of Ellen G. White About the Ellen G. White Estate End User License Agreement The viewing, printing or downloading of this book grants you only a limited, nonexclusive and nontransferable license for use solely by you for your own personal use. This license does not permit republication, distribution, assignment, sublicense, sale, preparation of derivative works, or other use. Any unauthorized use of this book terminates the license granted hereby. Further Information For more information about the author, publishers, or how you can support this service, please contact the Ellen G. White Estate at [email protected]. We are thankful for your interest and feedback and wish you God’s blessing as you read. i Paunang Salita Ito ay ipinalimbag ng palathalaan mula sa isang masidhing panini- walang ito ay nagbibigay liwanag sa isang napakahalagang paksa tung- kol sa kapakanan ng buong sansinukob, isa na kung saan ang liwanag ay kinakailangang naising lubos; na ito’y naghahayag ng mga katoto- hanan na ilan lamang ang nakaaalam o kung hindi ay lubhang kara- mihan ang hindi nagpapahalaga. Ang malaking tunggalian sa pagitan ng mabuti at ng masama, ng liwanag at ng dilim, ng kapangyarihan ng Dios at ng pagtatangka ng kaaway ng lahat ng katuwiran, ay dakilang panoorin na makatuwiran lamang na ituring na karapat-dapat upang pag-ukulan ng pansin ng lahat ng mga daigdig. Na ang gano’ng tunggalian ay bunga ng kasalanan, na iyon ay kinakailangang dumaan sa iba’t-ibang yugto ng pagsulong, at sa wakas ay matapos sa ikaluluwalhati ng Dios at sa higit pang ikatataas ng Kanyang mga tapat na lingkod, ay kasing tiyak kung papaanong ang Banal na Kasulatan ay pagpapahayag ng Dios sa tao. Ang salitang iyon ay naghahayag ng mga dakilang tampok ng tunggaliang ito, isang tunggalian na sumasaklaw sa pagtubos ng sanlibutan; at may natatanging mga pagkakataon kung kailan ang mga katanungang ito ay nakakakuha ng di-pangkaraniwang pansin, at nagiging pinakamahalaga sa lahat ang maunawaan ang ating relasyon dito. Ganito ang panahong kasalukuyan, sapagkat ang lahat ay nag- papa- hiwatig na maaari nating panghawakan ngayon ng may katiyakan ang pag-asa na ang matandang tunggaliang ito ay malapit ng magtapos. Subalit marami ngayon ang waring nakalaan upang ituring na kabulaanan ang kasaysayan kung paano nasangkot ang ating sanlibutan sa dakilang usaping ito; at ang iba naman, baga- man iniiwasan ang ganitong kaisipan, ay itinuturing na isang bagay na lipas na at hindi na mahalaga, at sa gano’n ay kinalilimutan na lamang. Subalit sino ang hindi magnanasang tumingin sa lihim na dahilan [17] ng gano’ng kataka-takang pagtalikod; upang mabatid ang espiritu ii noon at matutunan kung paano maiiwasan ang mga ibinubunga noon? Ang aklat na ito ay tungkol sa mga kaisipang iyon. Ito ay may hilig magpatanyag ng isang buhay na pagnanasa sa mga ba- hagi ng salita ng Dios na malimit ay nakakaligtaan. Binibihisan nito ng bagong pakahulugan ang mga pangako at mga hula sa Ba- nal na Kasulatan, nililinaw ang pagka-walang sala ng Dios sa mga paraan ng pakildtu- ngo sa panghihimagsik, at ipinakikita ang ka- hanga-hangang biyaya ng Dios sa paggawa ng isang paraan ng kaligtasan para sa makasalanang tao. Sa ganito tayo ay ibinabalik ng kasaysayan sa isang panahon kung saan ang mga panukala at mga layunin ng Dios ay maliwanag na inihayag sa piniling bayan ng Dios. Bagaman ito ay tungkol sa mga paksang gano’n karangal, mga paksang kumikilos sa kailaliman ng puso at pumupukaw ng pinaka- masiglang damdamin ng kaisipan, ang pamamaraan ng aklat na ito ay madaling maunawaan, at ang wika ay malinaw. Itinatagu- bilin namin ang aklat na ito sa lahat ng nasisiyahan sa pag-aaral ng banal na panukala ng pagtubos sa sangkatauhan at nakadadama ng anumang pangangailangan sa kaugnayan ng kanilang sariling kaluluwa sa ga- wain ni Kristo; at sa lahat ng iba pa ito ay aming itinatagubilin, upang gisingin sa kanila ang hilig sa ganitong mga bagay. Nawa ang pagbabasa ng aklat na ito’y maging pagpapala sa ika- bubuti ng mga mambabasa, at humantong sa kanilang paglakad sa daan ng buhay, ang siyang taimtim na dalangin ng mga TAGA- PAGLATHALA. [18] Panimula Ang tomong ito ay tumatalakay sa mga paksa ng kasaysayan ng Biblia, mga paksang hindi bago sa kanilang sarili, subalit dito ay nailahad upang bigyan sila ng bagong kahulugan, naghahayag ng bukal ng pagkilos, nagpapakita ng mahahalagang kaugnayan ng ilang pagkilos, at nagdadala sa mas malakas na liwanag ng ilang maiikling tampok na nabanggit sa Biblia. Samakatuwid baga’y ang mga tagpo ay may mga kalinawan at kahalagahan na nauuwi sa paggawa ng bago at tumatagal na impresyon. Ang ganoong liwanag ay sumisinag sa talaan ng Kasulatan upang higit pang mahayag ang likas at layunin ng Dios; upang ihayag ang mga panlilinlang ni Satanas at ang mga paraang kung saan ang kanyang kapangyari- han ay malulupig sa kahuli-hulihan; upang maipakita ang kahinaan ng puso ng tao, at kung paanong ang biyaya ng Dios ay binibi- gyan ng kakayahan ang mga taong manlupig sa pakikipaglaban sa kasamaan. Lahat ng ito ay kasang-ayon ng layuning ipinakita ng Dios sa paglalantad sa mga tao ng mga katotohanan ng Kanyang salita. Ang ahensyang kung saan ang mga pagpapahayag na ito ay naibigay ay nakita—nang nasubok sa Kasulatan—upang maging isa sa mga paraan na ginagamit pa rin ng Dios upang turuan ang mga anak ng tao. Bagamat hindi na ngayon katulad noong sa pasimula, nang ang tao sa kanyang kabanalan at kawalang-sala ay mayroong personal na pag-aaral mula sa kanyang Manlalalang, hindi pa rin pinabayaan ang taong walang Banal na Tagapagturo na inilaan ng Dios na kakatawan sa Kanya, ang Espiritu Santo. Kaya nga ating narinig ang apostol Pablo na nagpapahayag na ang isang banal na “pagbibigay-liwanag” ay ang natatanging karapatan ng mga tagasunod ni Kristo; at nang sila ay “maliwanagan” sa pagiging “kabahagi ng Espiritu Santo.” Hebreo 10:32; 6:4. Sinasabi rin ni Juan, “Kayo’y may pahid ng Banal.” 1 Juan 2:20. At si Kristo ay pinangakuan ang mga alagad, nang Siya ay malapit na silang iwanan, na susuguin Niya sa kanila [19] ang Espiritu Santo bilang Taga-aliw at Taga-akay na magtuturo sa iv kanila ng lahat ng katotohanan. Juan 14:16, 26. Upang maipakita kung paanong maisasakatuparan ang pan- gakong ito sa iglesia, si apostol Pablo, sa dalawa sa kanyang mga sulat, ay pormal na nagpapahayag na may ilang mga kaloob ng Espir- itu ang napasa iglesia para sa pagtuturo dito hanggang sa katapusan ng panahon. 1 Corinto 12; Efeso 4:8-13; Mateo 28:20. Ni ang lahat ng ito: maraming maliwanag na maliwanag na mga hula ang nag- papahayag na sa mga huling araw ay magkakaroon ng natatanging pagbuhos ng Espiritu Santo, at ang iglesia sa panahon ng pagpa- pakita ni Kristo ay magkakaroon, sa pagsasara ng karanasan niyon, ng “patotoo ni Kristo,” ang espiritu ng hula. Gawa 2:17-20, 39; 1 Corinto 1:7; Apocalipsis 12:17; 19:10. Sa mga puntong ito nakikita natin ang katibayan ng pagpatnubay at pag-ibig ng Dios para sa Kanyang bayan; sapagkat ang presensya ng Espiritu Santo bilang Mang-aaliw, Tagapagturo, at Taga-akay, hindi lamang sa karaniwan kundi higit pa sa karaniwan nitong, mga paraan ng paggawa, ang talagang kinakailangan sa iglesia habang ito ay pumapasok sa mga panganib ng mga huling araw, higit pa sa kahit anong bahagi ng karanasan nito. Ang mga Kasulatan ay nagtuturo ng iba’t ibang daluyang kung saan ang Espiritu Santo ay gagawa sa mga puso at isipan ng mga tao upang bigyang liwanag ang kanilang pang-unawa at patnubayan ang kanilang mga hakbang. Ang ilan sa mga ito ay mga pangitain at panaginip. Sa ganitong paraan ang Dios ay makikipag-ugnayan pa rin sa mga anak ng mga tao. Narito ang Kanyang pangako sa puntong ito: “Dinggin ninyo ngayon ang Aking mga salita: Kung mayroon sa gitna ninyo na iisang propeta, Akong Panginoon ay pakikilala sa kanya sa pangitain, na kakausapin Ko siya sa panaginip.” Bilang 12:6. Sa ganitong mga paraan ang kahima-himalang kaalaman ay naipahatid kay Balaam. Sa gayon ay Kanyang sinabi: “Nagsabi si Balaam na anak ni Beor, at ang lalaking napikit ang mata ay nagsabi; siya’y nag-sabi, na nakarinig ng mga salita ng Dios, at nakaalam ng karunungan ng Kataastaasan, na siyang nakakita ng pangitain ng Makapangyarihan sa lahat, na nalulugmok at nakadilat ang Kanyang mga mata.” Bilang 24:15-16. Samakatuwid ito ay nagiging isang bagay na may malaking pagka- gustong suriin ang patotoo ng Kasulatan ukol sa kalawakang kung saan ang Panginoon ay pinanukalang ang Espiritu ay dapat [20] ihayag ang Sarili nito sa iglesia sa loob ng panahon ng pagsubok sa tao. Matapos bumalangkas ng panukala ng kaligtasan, ang Dios, gaya ng nakita natin, sa pamamagitan ng ministeryo ng Kanyang Anak at ng mga banal na anghel, ay makikipagsalitaan pa sa mga tao sa kabila ng look na ginawa ng kasalanan.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages869 Page
-
File Size-