Rapid Reaction: Lakers 110, Jazz 99

Rapid Reaction: Lakers 110, Jazz 99

Rapid Reaction: Lakers 110, Jazz 99 January, 3, 2014 JAN 3 10:02 PM PT By Dave McMenamin ESPNLosAngeles.com Archive RECOMMEND0 TWEET4 COMMENTS0 EMAIL PRINT LOS ANGELES -- Perhaps the 18th time's a charm (as in the Los Angeles Lakers used their 18th different starting lineup through 33 games on Friday). Maybe the Lakers finally got tired of losing to teams that have worse records than they do. Whatever the case, L.A. was able to snap its season-high six-game losing streak by completely controlling the Utah Jazz from start to finish in a 110-99 win, never trailing the whole game. Leading the way as newcomers to the starting five were Robert Sacre (four points and a career-high 10 rebounds) and an incredible 20-point, 15-assist night from Kendall Marshallthat started with him scoring the first five points of the night and never looking back, even adding the cherry-on-top 3 to put L.A. up by eight with less than a minute remaining and a layup in the final seconds to assure the win would be by double-digits. How it happened: The Lakers held the Jazz to just 12 points in the first quarter, a season low for opponent's points allowed in any quarter, while igniting for 30 points of their own as Marshall put up seven points and five assists in the period. L.A. tacked on another 31-point quarter in the third to take a 16-point lead into the final frame. Utah was able to cut it to four with a Trey Burke bucket with 2:07 to play, but Nick Young responded with a jumper with 1:48 to go to push it back to six. Derrick Favors got a dunk on Utah's next possession, but Jodie Meeks was the go-to guy the next time down, making a 3 to give L.A. a 99-92 lead with 1:18 remaining. Utah never made it closer than a two- possession game the rest of the way. What it means: L.A. has a point guard. Not saying that Marshall can have as magical performances every night as he did against Utah, but he proved he can play at the very least. Which is all a team that's missing Steve Nash, Steve Blake, Jordan Farmar and Xavier Henry already could ask for. Hits: Pau Gasol looked to be totally over the upper respiratory issue that had been plaguing him, going off for 23 points on 10-for-17 shooting, 17 rebounds and eight assists. Despite shooting just 6-for-14, Young (16 points) kept his double-digit scoring streak alive, pushing the total to 19 games. Meeks scored 18. Wes Johnson returned from gastroenteritis to score 11 points on 5-for-5 shooting. Shawne Williams scored 10 points and went 3-for-3 from 3. Misses: L.A. had seven turnovers in the second half after just four in the first half. Stat of the game: The last Laker to have 20 points and 15 assists in a regular-season game before Marshall was Kobe Bryant on Feb. 12, 2002, against Washington. Up next: The Lakers host the Denver Nuggets on Sunday, a team that snapped an eight-game losing streak on Friday, before going on to play 10 of their next 11 games on the road. An Open Letter to Vic Sotto SPOT.ph blogger Lourd de Veyra has a few things to say to "Bossing" By: Lourd de Veyra | Published on: Jan 3, 2014 - 8:00am 321 Share this Article Post a comment Email this article Print this article (SPOT.ph) Dear Bossing Vic Sotto, Una sa lahat, happy new year. Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka- uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc. Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?). Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga “acheche!” Sumusulat ako dahil film fest na naman. As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million? Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki. Saan ba tayo magsisimula? Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga—paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. “Eh di huwag ka na lang manood.” Pero huwag naman ganun, Bossing. Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin. Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”) Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro. Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh). Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako’y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon. Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman… Ano ba… sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog). Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba? Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami- dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo. ’Wag niyo ring sabihing, “Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila.” Please naman. Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila’y maganda ang plot at storyline—wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula. Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habang film fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako’y disappointed—dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote nahabulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na “I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-…”). TOP 10 LISTS BLOGS EVENTS DIRECTORY PROMOS NEWSLETTER About Spot.ph Advertise Careers Contact Us This Is A Crazy Planets An Open Letter to Vic Sotto SPOT.ph blogger Lourd de Veyra has a few things to say to "Bossing" By: Lourd de Veyra | Published on: Jan 3, 2014 - 8:00am 321 Share this Article Post a comment Email this article Print this article Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiyal at makapangyarihang posisyon. Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng indie film na may mga tauhan na nakakatitig lang ng isang oras sa kawalan. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang tatlong tao lang ang nakakaintindi, yung tipong masusuka ka sa lalim. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang pang-Cannes. Pero wala namang masama dun, ’di ba? Buti pa nga si ER Ejercito eh, nagte-take ng risks sa mga pino-produce na proyekto (Ampangit lang ng mga poster; siya raw kasi mismo ang nagde-design porke’t VisCom grad daw ng UP Fine Arts).

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    33 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us