Mga Bantog na Pilipinong Pintor at Iskultor Mga Pilipinong Pintor Fernando Amorsolo Rice Planting Benedicto Cabrera . Si Benedicto Reyes Cabrera (Abril 10, 1942) o mas kilala bilang Bencab, ay isang pintor at Pambansang Alagad ng Sining sa Sining Biswal na kilala hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa. Makikita sa kanyang mga obra ang masining niyang pagsasalarawan ng mga panlipunang isyu, lalong-lalo na ang tungkol sa mga Pilipino, nasaan man silang panig ng mundo. Three Women Carlos V. Francisco . Isinilang si Carlos "Botong" Francisco ay isinilang sa Angono, Rizal noong 4 Nobyembre 1913 at yumao noong 1969. Nagsimulang magtrabaho bilang layout artist at ilustrador sa Philippine Herald at Manila Tribune si Botong. Kabilang siya sa unang hanay ng mga guro sa bagong tatag noong UST School of Architecture and Fine Arts. Si Botong ay isa sa mga modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensiyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang imahen, sagisag, at idyoma sa pagpipinta. Harana Cesar Legaspi . Si Cesar Torrente Legaspi (1917- 1994), ay pinarangalan bilang isang Pambansang Alagad ng Sining noong 1990, at siya ang itinuturing na nagpasimula ng neo-realism sa Pilipinas at nagpaunlad ng cubism sa bansa. Combancheros Hernando R. Ocampo . Si Hernando R. Ocampo (28 Abril 1911 - 28 Disyembre 1978) ay isa sa mga naunang modernong pintor sa Pilipinas. Kinilala siyang Pambansang Alagad ng Sining noong 1991. Tanyag siya sa kanyang mga gawang abstrak. Mother and Child Juan Luna . Si Juan Luna y Novicio (Oktubre 23, 1857)ang nagpinta ng pamosong larawan “Spolarium”. Siya ay nakilala sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang pinsel gaya ng pagkakilala sa kanyang mga kaibigan sa pamamagitan ng pluma at espada. Spolarium Damian Domingo . Si Damian Domingo (1796 )ay ang unahang Pilipino na nagpinta ng kaniyang sariling mukha, ang kauna-unahang larawan ng isang tao na siya mismo ang gumuhit o self-potrait. Siya rin ang pinakaunang pintor na dalubhasa sa sekular na pagpipinta o secular painting. Taglay ang pagkakaroon ng photographic eye. Si Domingo ay nagpakita din ng kahusayan sa miniature painting. Dahil sa kaniyang pambihirang talento, binansagan siyang, "The First Great Filipino Painter." . At siya din ang nagtatag ng Acedemia de Dibujo y Pintura, ang pinaka-unang paaralan sa Pilipinas para sa mahilig gumuhit. La Sagrada Familia Mga Bantog na Iskultor sa Pilipinas Napoleon Abueva . Si Napoleon Veloso Abueva, sa gulang na 46, ang pinakabatang Pilipino na nakatanggap ng parangal na Pambansang Alagad ng Sining. Halos lahat ng iba't ibang uri ng materyal ay ginamit niya, mula sa matigas na kahoy (molave, acacia, langka, ipil, kamagong at kawayan) hanggang adobe, metal, bakal, semento, marmol, tanso, at iba pa. Allegorical Harpoon Eduardo Castillo . Si Eduardo Castrillo ay ipinanganak noong Oktubre 31,1942 ,sa Santa Ana, Maynila. Si Castrillo ay isang Republic Cultural Heritage awardee. Siya ay isa ring artist at designer ng alahas. Pieta Ramon Orlina . Kilala para sa glass sculpture dahil ang kanyang mga gawa ay nakuha mula sa mga bloke ng mga salamin. Flowers of Liberty Solomon Saprid . Si Solomon Saprid (13 March 1917- 28 September 2003) ay isang Pilipinong modernong iskultor na kilala para sa kanyang mga gawang tanso na baku-baku ang tekstura dahil gawa sa mga hinasang pira- pirason tanso. Pinakilala sa kanyang mga gawa ang kanyang Seryeng Tikbalang na sinimulan niya noong 1971. Tikbalang.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages26 Page
-
File Size-