Ang pahinang ito ay sadyang iniwang blangko. Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd i 1/27/2010 5:28:53 PM Ang akdang ito ay isang likhang-isip. Anumang pagkakatulad sa historikal na mga pangyayari ay hindi kailangang ituring na totoo. Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd ii 1/27/2010 5:29:01 PM “Sa hanay ng mga kabataang manunulat, isa sa lalo't higit na namumukod-tangi si Genevieve Asenjo saksi ang kanyang marami nang mambabasa, gayundin ang marami nang gantimpala sa panulat na kanyang natamo. Sapol ng kanyang panitik ang mga anyo ng tula at maikling kuwento, at sa pinakahuli ay ang nobela (Lumbay ng Dila) na ang mga nilalaman ay tumutuhog sa mga karanasan at buhay-buhay na babae/lalaki, gilid- gilid/sentro, rural/urban, personal/pulitikal, nasyonal/ global—na sa pangunahin ay kanyang itinatampok sa pamamagitan ng mga babaeng persona sa kanyang mga tula, ng mga pangunahing babaeng tauhan sa kanyang maiikling kuwento lalo pa nga ba sa kanyang pinakahuling akdang Lumbay ng Dila. Dapat ding bigyang-diin ang partikular, naiiba, at espesyal na kontribusyon ni Asenjo sa larangan ng wika. Isang misyon at adbokasi na ni Asenjo na buong pagmamahal at pagmamalaking isentro ng kanyang panitik ang kanyang kinamulatang wika sa Visaya (Kinaray-a), gayundin ang barayting wikang Kinaray-a- Filipino.” —Fanny A. Garcia Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd iii 1/27/2010 5:29:01 PM “Kung tutuusin, huling-huli na itong nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo kung konteksto ng Maragtas ang pag-uusapan. Ayon kasi sa folk history na ito tungkol sa sampung datu mula sa Borneo na dumating sa Panay noong ika-13 siglo, sa Antique— partikular sa tabing-ilog ng Malandog sa bayan ng Hamtic ngayon—itinatag ang unang barangay sa Filipinas. Ngayon lamang ang kasadya ko pagkabasa nitong maanyag at matapang na nobela.” — John Iremil E. Teodoro “Although Lumbay ng Dila is Asenjo's fi rst novel, her work shows that she already has mastery of the form as can be seen in the colorful and enduring story; tight structure and plot; interesting, believable, and vivid characterization; clearly delineated setting; timely and timeless ideas; appropriate choice and handling of point of view; and fresh and eff ective use of language. If Asenjo's purpose in writing her novel is to entertain readers, I think she is able to accomplish this. Like her earlier readers, I also enjoyed reading her novel thoroughly.” — Gerardo Z. Torres Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd iv 1/27/2010 5:29:01 PM Genevieve L. Asenjo C & E Publishing, Inc. 2010 Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd v 1/27/2010 5:29:01 PM C & E Publishing, Inc. C & E Publishing, Inc. was established in 1993, and is a member of ABAP, PBAI, NBDB, and PEPA. Lumbay ng Dila Inilathala ng C & E Publishing, Inc. para sa De La Salle University Manila 839 EDSA, South Triangle, Quezon City Tel. No: (02) 929-5088 Telefax: (02) 929-5713 e-mail: [email protected] Karapatang-ari © 2010 ng C & E Publishing, Inc. at ni Genevieve L. Asenjo Reserbado ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng librong ito ay hindi maaaring kopyahin o isulat sa anumang anyo maging ito ay palimbag, mimyograp o makinilyado nang walang pahintulot ng tagapaglathala o ng may-akda. Datos sa Pagkakatalogo ng Publikasyon PL Asenjo, Genevieve L. 6058.9 Lumbay ng dila / Genevieve L. Asenjo. -- Quezon City : C & E .A7 Pub., 2010. L8 486 p. : 18 cm. 2010 ISBN 978-971-584-935-7 (NP) 978-971-584-936-4 (BP) I. Title. Disenyo ng Pabalat: Vicente Garcia Groyon Layout: Judith Ann C. Buhain Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd vi 1/27/2010 5:29:01 PM kay Heath Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd vii 1/27/2010 5:29:02 PM Ang pahinang ito ay sadyang iniwang blangko. Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd viii 1/27/2010 5:29:02 PM 1 ANGHALINGTAPAT ngayon. Kalagitnaan ng Hunyo. Taong 2007. Nasa dibdib niya ang T alinsangan ng tag-init, nasa talampakan ang lamig ng tag-ulan. Nakatayo siya—si Sadyah Zapanta Lopez—sa isang burol sa kanilang baryo, ang Barasanan, sa bayan ng Dao. Nasa dulong timog ito ng Antique, isang probinsya sa Panay na ayon sa isang paring musikero nito, ang lugar kung saan nagtatagpo ang dagat at bundok. Lupa at dagat sa pinggan naman ito para sa isa niyang babaeng makata na kasalukuyang nasa Amerika. Sinuklay niya ng mga daliri ang lampas-balikat na buhok. Inamoy ang bango nito. Isang pag-aanyaya sa banal sa kanyang paligid na dumapo sa kanyang ulo. Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd 1 1/27/2010 5:29:02 PM Genevieve L. Asenjo Katulad kaninang umaga. Umaasu-aso ang kanin na sinandomeng. Nakalapag ito sa mesa sa kanyang gilid katabi ang pinggan ng piniritong danggit, nilagang itlog, tortang talong. Nagbu-brew sa French Press ng Starbucks ang House Blend. Sa kanyang laptop, nagsisimulang bumukas sa Capricorn ang www.horoscope.com. Naririnig na niya ang “Love’s Divine” ni Seal sa video na pinadala sa kanya ni Priya sa YouTube. Alaala ng Pagkabasa. Ito ang pamagat ng kanyang blog sa Multiply. Naisulat niya ang ganito: Isang tubig ang alaala na humahagunos sa tamang panahon. Katulad ngayong umuulan at gusto kong maniwala sa muling pagkaluntian ng bukid. Hindi niya ito naipagpatuloy. Tumunog ang kanyang cellphone. Isang breaking news ang mensahe na kaagad din narinig ng buong baryo sa Bombo Radyo. Ito rin ang bumati sa kanya sa Inquirer7.net. at Philstar.com. Nasisiguro niyang ito rin ang ibinabalita sa mga istasyon ng TV. Marahil may nakatatak pang eksklusibo. Former Antique Assemblyman Marcelo N. Lopez, acquitted after 21 years of trial! Nakilala niya ang pagkamangha, higit kaysa pagkabigla, na lumukob sa kanya. May anyo ng kaligtasan. 2 Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd 2 1/27/2010 5:29:02 PM 2 IYA SI SADYAH ZAPANTA LOPEZ. Apat na taon ang nakararaan, nauso ang Friendster. S Sumali siya at naitatak niya sa bahaging Who Do You Want To Meet ang magkatambal niyang pagnanasa: My grandfather Marcelo Nones Lopez and my mother Teresa Checa Zapanta-Lopez. Natunaw ang kanyang akala na naiwan niya ito sa paliku-likong kalsada ng Antique nang makatapos sa kolehiyo sa University of the Philippines Visayas sa Miag-ao. Naitapon maging ang huling hibla ng lungkot nito sa daungan ng Iloilo nang makasakay siya sa barko patungong Manila. Nabuwag ng font na Garamond ang kanyang hiya. Napalitan ng tapang ng Bold at bighani ng Italics ang kanyang panliliit. Umangkin ng tatag ng karaniwang 12 font size ang kanyang pag-aalinlangan. Na para bang Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd 3 1/27/2010 5:29:02 PM Genevieve L. Asenjo ang tayo nito sa pahina ng website ay may integridad ng ganda at lakas niya ngayon sa edad na 28. Nagulantang siya. May pagkamangha. Parang tulad noong una niyang masaksihan bilang Assistant Instructor ang nagliliparan, nagkikislapan, at nakatutuliling na fl ash animation sa powerpoint presentation ng kanyang mga estudyante sa La Salle. May intensidad ng unang danas niya ng pakikipagniig sa edad na 20. Kay Stephen, ang dati niyang mangingibig na Tsinoy. Napakabilis ng mga daliri ng binata sa pag-abot-tanggal ng hook ng kanyang bra. Sa mga labi’t palad nito, nakalimutan niyang maliliit ang kanyang mga suso. Nasundan niya ang pagluslos nito ng puting briefs. Hanggang sa makawala sa mga paa nito at tuluyang humimlay sa sahig. Natulala siya sa isang napakagandang tanawin—ang bantayog sa pagitan ng mga hita ni Stephen. Hindi na niya namalayan kung sa pitaka ba o sa bulsa ng pantalon nito hinugot ang strawberry-fl avored condom. Nang lumipat ang mga bibig nito sa naglalagablab niyang kandungan, napaigtad siya’t napahiyaw, dahil para bang nag-aamoy-dila ito sa whipped cream ng café mocha. May sindak nang hapong iyon na nadaanan nila ni Ishmael, ang dati niyang nobyo na Muslim, ang pagsusunog ng mga aktibista sa mga mukha nina George Bush at Gloria Macapagal-Arroyo sa harapan ng US Embassy. Animo’y nagsilundagan ang lahat ng poot mula sa mga mata at lalamunan ng mga aktibista. Mga bola ng apoy na nagpagiling-giling sa kalsada at hinabol 4 Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd 4 1/27/2010 5:29:02 PM Lumbay ng Dila sila ni Ishmael. Hanggang sa sumuot at gumapang ito sa buo niyang katawan. Naging isang higanteng virus na kumakatkat sa kanyang kalamnan at buto. Pinagtagpo niya ang mga daliri nila ni Ishmael sa pagsisitayuan ng kanyang mga balahibo. Niyanig siya ng panginginig at may lindol na dumagundong sa kanyang isipan: “Ano ang totoo, Marcelo? Ano ang totoo, Teresa?” ITO NABUO, sa kanyang buhay-pag-ibig, ang pagkamangha na naramdaman niya D kaninang umaga. Kasukob ang pinanini- walaan niya ngayon: Ang pag-ibig ay isang distansya. Sa simula, sa pagitan ng magkaharap na balkonahe nila ni Priya sa magkatambal na gusali. Ang liwanag ng ilaw ay isang bintana. Ang hangin na dumadaan ay naglalakbay mula sa isang pinto papasok sa elevator, pababa, para umakyat, sa isa pang elevator, tungo sa kabilang pinto, saan ang katok ay kapangalan ng cold shower at pillow talk ng mga libro, musika, paglalakbay. At ngayon, ang pagpapalaot nila online. Sa kanyang Filipino-English na tunog Kinaray-a. Sa Indian-infl ected English ni Priya. Sa pinagtutugma nilang oras ng Manila, Philippines, at Munich, Germany. Ang lumbay ng dila. 5 Ang Lumbay ng Dila (chap 01-12).indd 5 1/27/2010 5:29:02 PM Genevieve L.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages501 Page
-
File Size-