Produktivong Laybraryanship

Produktivong Laybraryanship

Halaw Sa: Ang Laybrari/Laybraryan ng Kasalukuyang Panahon Produktivong Laybraryanship Roderick Baturi Ramos, MAEd Halaw Sa: Ang Laybrari/Laybraryan ng Kasalukuyang Panahon Produktivong Laybraryanship Roderick Baturi Ramos, MAEd 2 0 1 1 By Roderick Baturi Ramos ALL RIGHTS RESERVED No portion of this book may be copied or reproduced in books, pamphlets, outlines or notes, whether printed, mimeographed, typewritten, xeroxed or in any other form, for distribution or sale, without the written permission of the author. Handog at Pasasalamat Sa mga kapwa ko laybraryan at sa sinumang sumusulong sa aktivong pag-unlad ng propesyong laybraryanship, aking inihahandog ang munting likhang ito at pagpapasalamat na rin sa ikadalawampung taon bilang kawani at guro ng mga laybrari at eskuwelahang aking napaglingkuran sa loob ng dalawang dekada. P a n i m u l a Apat na dahilan kung bakit ito ay nabuo: makapaghatid ng impormasyon, inspirasyon, at makapagdulot ng kasiyahan at makahikayat. Basahin, tunghayan at pag-aralan ang mga artikulong nakapaloob upang makatuklas ng mga gawaing nararapat upang maging produktivong laybraryan ng kasalukuyang panahon. Ang mga ipinahayag na mga karanasan, damdamin, at ninanais ay maaring kapulutan ng mga kaalamang magbubunsod sa mas malalim pang pagtataglay ng isang uri ng paglilingkod sa ating mga tagatangkilik sa loob at labas ng laybrari. Umaasa akong pahahalagahan ang mga mahihinuha mula sa akdang ito bilang inspirasyon, gabay tungo sa tinatahak o nilulunggating uri ng pagsisilbi sa mga nangangailangan. Roderick Mga Nilalaman Handog at Pasasalamat 3 Panimula 4 Mga Nilalaman 5 Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries 6 Hospitalidad, Mainam na Metapora ng Paglilingkod 9 Isang Altar Para Kay Genoveva Edroza Matute 14 Si Amaya, ang Pamamahala at si Humadapnon sa Aklata ng DLSU 17 Pandaigdigang Pakikipag-ugnayan sa Pamamagitan ng L ibro at Impormasyon, Komunikasyon at Teknolohiya 20 Karanasang Hello Singapore ng PAARL, Inc. 25 Bibliyoterapiya, Isang Library Innovation 29 Ipa-SWOT ang Serbisyong Referens 32 Bien, Bien sa Laybrari ng DLSU 34 Si LORA 37 Gumon sa Mga Elektronikong Deytabeys 40 Ang Library Orientation 44 Ang Mapasaya ang Kostumer Sa Laybrari 48 Pagpupulong sa Laybrari 51 Faculty Orientation at ang Associate Librarian 54 Desaparecido, Extrajudicial Killings at IL 57 Basahin ang Growing in Courage: Stories for Young Readers 60 Basahing Muli ang Growing in Courage: Stories for Young Readers 63 Muli’t Muling Basahin ang Growing in Courage: Stories for Young Readers 67 Higit sa Lahat, ang Laybraryan ay Isang Ebalweytor 70 Library Customer Care at ang S-E-R-V-E ng Singapore 72 Library Poverty 75 Filipiniana Librarianship 77 Super Librando, Bagong Mukha ng Laybraryan 80 May Portfolio ka Ba? Ang Portfolio at ang Pagtuturo ng Lifelong Learning 82 Kyubikong Serbisyo at Hyperlinked na Silid-aklatan 84 Ang Reader Service at Internet 86 Ang Elektronikong Dyornal at Library Poverty 88 Ang Copyright Law at DLSU Bilang isang Huwaran 90 Walang Nakapasa sa L Classification Literacy test 92 Introduction to University Life 95 Bibliographic Powers ng Isang Laybraryan 97 Ang Library Poverty na Kita sa Karamihan 99 Ang Lipunan, Pagkatuto at Information Literacy 101 Library 2.0 103 Managing Libraries on the Four Pillars of Learning 105 Handa ang Laybraryan sa Mga Bagong Hamon ng Panahon 108 Job Description ng Laybraryan 110 Evaluation of the Continuing Professional Education of the Philippine Association of Academic and Research Librarians, Inc.: Towards A Proposed Conference Program of PAARL, Inc., FY 2010-2011 118 A Concept Paper on Blog Utilization, A Creative Archiving Activity for the Library of the De La Salle University-Manila 125 A Concept Paper for a Roving Library Staff (Internal) for Reference Service of De La Salle University-Manila 129 A Concept Paper for a Roving Library Staff (External) for Reference Service of De La Salle University-Manila 134 Talasanggunian 143 Ang Manunulat 147 Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries Katangi-tangi ang hospitalidad na ipinamalas ng direktor ng Rizal Library sa Ateneo de Manila University, Gng. Lourdes David. Katulong ang morenang palangiting si Karryl Sagun, magandang laybraryan ng referens, si Lourdes, at siya na nga mismo ang gumabay o nagsilbing library tour guide sa paggala ng mga laybraryan sa loob at labas ng mga silid-aklatan ng ADMU. Binigkas niyang espesyal ang grupong PAARL’S TOUR OF OUTSTANDING LIBRARIES na bumisita upang mag-benchmarking sa apat na mga teripikong mga aklatan sa kalakhang Maynila na matatagpuan sa DLSU, ang Miguel de Benavidez Library ng UST, at Asian Development Bank. Hanggang alas sais ng gabi noong Lunes (Agosto 22), otentikong inihayag ni Lourdes ang pasasalamat sa PAARL, Inc. at palagiang pag-imbita sa mga kalahok na dumako, bumalik, magsama at mamasyal sa Rizal Library at mga moog para sa museo at ispesyal na mga koleksyon ng libre o walang bayad tulad ng American Historical Collection, ALiWW, Pardo de Tavera, Matteo Ricci Study Hall, Microform Reading Center, at bagong gusali ng Rizal Library. Ito ay isang pribilihiyong laan sa ating mga kapwa laybraryan ayon pa sa napakabuting guro na rin ng Library Science. Napamangha ang mga taga-Cabanatuan, maging ang mga taga-Silang sa mga itsura ng mga bilding, loob-looban ng mga information commons ng mga nabanggit na mga pinuntahan. “Kapanga-pangarap ang taguriang Espresso Book Machine ng ADB,” wika ng isang laybraryan ng isang internasyunal na eskwelahan. Milyong piso ang nailagak sa makinang ito Page 7 Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries ayon sa isang namamahalang Indiyan upang tumugon sa demand-driven (banggit ni Gng. Nelia Balagapo) na gawi ng mga kawani ng ADB. Ang ADB at Tokyo, Japan pa lamang ang mayroon nito. Ang EBM ay gumagamit ng isang software at sa pamamagitan ng isang deytabeys, maiiprint nito ang katumbas na librong pinili, tumpak ang kulay, sukat at laman ng libro sa loob lamang ng limang minuto. Parang isa itong ATM o drive-thru service , kadudutdut sa teklado, maya-maya, nariyan na ang nilulunggating mainit-init mula sa oven na babasahin. Literal talagang mainit-init na libro ang ididispensa o ihuhulog sa saluhan ng Espresso Book Machine . Kakaiba at ekselente ang disiplina at sining ng mga taga-UST sa aspeto ng pag-aarkayv. Napa-WOW ! O napabilib ang tatlungpung (30) turista sa nasaksihang pag-aaruga sa mga materyales o dokumentong institusyunal, personal, historikal at iba pa. Marururok mula sa kanila ang isang industriya sa isang akademikong establisamento: ang industriyang gagastusan, pananatilihin habangbuhay, ipipriserba, iingatan at ilalayo mula sa mga panganib. Huwag kalimutang dumako sa mataas na palapag ng Miguel de Benavidez Library upang matunghayan kung ano ang di nakikita sa araw-araw na matutuklasan lamang sa mga interyor na mga lugar nito. Maaring kontakin si Bb. Ana Rita Alomo, mahusay na pasiliteytor-laybraryan, kung ninanais mabighani at mapa-WOW tulad ng isang babaing laybraryang kasama mula sa Tsina, tigatatlong partisipante mula sa Letran, San Beda, Adventist University of the Philippines, TIP-QC, College of the Immaculate Conception! Page 8 Hospitalidad ng PAARL’s Outstanding Libraries Di naman makakalimutan ng karamihan ang kanilang unang-unang pagyapak sa gusali ng DLSU. Maaliwalas, malinis, may kaliwanagan ang bawat sulok, malamig, umpok ng mga libro at kasangkapan ang paligid at kahali-halina ang envayronment sa loob ng laybrari ng DLSU. Ito’y mga pananalitang karaniwang mauulinigan mula sa sinumang dadako. Lubos nilang pinasasalamatan, lalung-lalo na ang uri ng pakikipag-niig at pag-aalay ng oras ng dalawang laybraryang unang kanilang nakadaupang-palad noong umaga ng Lunes (Agosto 22): Gng. Willian Frias at Gng. Marita Valerio sa bawat isa. Nakasuot ng puting damit na may disenyo ang mga partisipante bilang souvenir o alaala na mula sa kabutihang-loob ng C & E sa pamagitan ni Gng Cham Carlos. Ang mga laybrari ng DLSU, UST, ADB at ADMU ay tampok o tinaguriang mga Outstanding Libraries ng fully-engaged-member-driven association , PAARL, Inc. ayon sa pagkakasunod-sunod, 2003, 2005, 2002, at 2006. Kasama sa aktiviti na ito bilang partisipante at tagaorganisa ang ilan sa mga opiser ng PAARL, Inc.: Pangulong Roderick B. Ramos (manunulat nitong artikulo); Carolyn De Jesus (Sekretarya), Cecil Lobo (Tagasuri), Maria Theresa Villanueva (Tseyr ng Pagsapi), Sonny Boy Manalo (PRO). Katuwang sina Sonia Gementiza (Bise-presidente); Sonia Lourdes David (Tesorero); mga direktor ng lupon na sina Victoria Baleva at Olivia Haler at dating pangulong Christopher Paras. Page 9 Hospitalidad, Mainam na Metapora ng Paglilingkod Hindi pa naman huli ang panahon upang tuluyan ng isaganap o isaalang-alang ang paggamit ng isang uri ng hospitalidad tungo sa otentikong pakikitungo ng mga kawani ng lahat ng mga laybrari sa kani-kanilang mga kostumer, pribado o pampubliko, akademiko man o hindi. Ayon kay Carol A. King (1985), ginagamit, karamihan sa mga organisasyon, ang hospitalidad bilang metapora (talinghaga) o takigrapya (preskripsyon) upang ilarawan para sa kanilang mga empleyado ang isang uri ng relasyon sa mga kostumer bilang mga panauhin. Ang mga metapora ay kapaki-pakinabang upang maihayag ang mga nilulunggating mga pagpapahalagang kultural sa isang samahan, gayunpaman, ang mga empleyado ay nararapat na malaman kung ano ang ibig sabihin ng mga metapora (talinghaga) para sa kanila, at kinakailangang kumilos ayon sa mga pagpapahalagang hain ng metapora. Ang metaporang ito ay inaasahang magiging instrumento upang manumbalik at punuin ng mga tagatangkilik

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    148 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us