342 ARALING PANLIPUNAN 8 343 MODYUL BLG. 4 :ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGAN ASYA SA TRANSISYUNAL AT MAKABAGONG PANAHON ((IKA-16 HANGGANG IKA-20 SIGLO) PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ayon sa Travel Magazine, humigit kumulang sa dalawang milyong Kanluranin ang nagtungo sa Asya noong 2010 upang bisitahin ang magaganda at makasaysayang lugar dito. Ganito din kaya ang dahilan ng pagpunta ng mga Kanluranin sa Asya noong ika-16 na siglo? Bakit sinakop ng mga Kanluranin ang karamihan ng mga bansa sa Asya? Paano ipinaglaban ng mga mga Asyano ang kanilang kalayaan at karapatan? Higit sa lahat, paano binago ng pananakop at pakikipaglaban ang Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 siglo hanggang sa ika-20 siglo? Sa Modyul na ito ay mauunawaan mo ang nagpatuloy at nagbago sa mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya na nasakop ng mga Kanluranin. Tandaan na dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang sagot sa sumusunod na katanungan: Paano nakamit ang transpormasyon sa Silangan at Timog Silangang Asya sa mula ika-16 siglor hanggang sa ika-20 siglo? Paano nakaimpluwensiya sa transpormasyon ng Silangan at Timog Silangang Asya ang karanasan nito sa panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo? Paano nakatulong ang pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya sa kasalukuyang kalagayan? Paano nahubog ng paglaya ng Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang transpormasyong naganap noong ika-16 na siglo hanggang sa ika-20 siglo? Paano nakaapekto sa mga Asyano ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-20 siglo MGA ARALIN AT SAKOP NG MODYUL Aralin 1 – Kolonyalismo at Imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika 16- hanggang ika-20 siglo Aralin 2 – Pag-usbong Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika 16- hanggang ika-20 siglo Aralin 3 – Hakbang tungo sa Paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-20 siglo 344 Aralin 4 – Ang mga Pagbabago sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika -16 hanggang ika-20 siglo Grapikong Pantulong ng Aralin Ang sumusunod ang inaasahang matutuhan mo sa Modyul na ito. Tiyaking iyong babasahin at babalik- balikan dahil ito ang magsisilbi mong gabay sa iyong pagkatuto. Sige na! Simulan na nating basahin… Aralin 1 Nasusuri ang mga dahilan at paraan ng pagpasok ng mga Kanlurang bansa hanggang sa pagtatag ng kanilang mga kolonya o kapangyarihan sa Silangan at Timog Silangang Asya Nasusuri ang transpormasyon ng mga pamayanan at estado sa Timog at Timog Silangang Asya sa pagpasok ng mga isipan at impluwensiyang kanluranin sa larangan ng: (a) pamamahala, (b) kabuhayan, (c) teknolohiya, (d) lipunan, (e) paniniwala, (f) pagpapahalaga, at (g) sining at kultura 345 Naipapaliwanag ang mga nagbago at nanatili sa ilalim ng kolonyalismo Natataya ang mga epekto ng kolonyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya Naihahambing ang mga karanasan sa Silangan at ng Timog Silangang Asya sa ilalim ng imperyalismong kanluranin Aralin 2 Nasusuri ang mga salik at pangyayaring nagbigay –daan sa pag-usbong at pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya Naipapaliwanag ang iba’t ibang manipestasyon ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya Nabibigyang halaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan Aralin 3 Naihahayag ang pagpapahalaga sa bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya tungo sa paglaya ng mga bansa mula sa imperyalismo Nasusuri ang pamamaraang ginamit sa Silangan at Timog Silangang Asya sa pagtatamo ng kalayaan mula sa kolonyalismo ng kilusang nasyonalista Nasusuri ang matinding epekto ng mga digmaang pandaidig sa pag-aangat ng malawakang kilusang nasyonalista Nasusuri ang kaugnayan sa iba’t ibang ideolohiya( ideolohiya ng malayang demokrasya, sosyalismo at komunismo) sa malawakang kilusang nasyonalista Aralin 4 Naihahambing ang mga pagbabago sa mga bansang bumubuo sa Silangan at Timog Silangang Asya Nasusuri at naihahambing ang balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangangn Asya Nasusuri ang mga anyo at tugon sa Neokolonyalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya Nasusuri at naihahambing ang mga palatuntunang nagtataguyod sa karapatan ng mamamayan sa pangkalahatan, at ng kababaihan, grupong katutubo, mga kasapi ng caste sa India at iba pang sektor ng lipunan Naihahambing ang kalagayan at papel ng kababaihan sa iba’t ibang bahagi ng Timog at Kanlurang Asya at ang kanilang ambag sa bansa at rehiyon Naiuugnay ang mga kasalukuyang pagbabago, pang- ekonomiya na naganap/ nagaganap sa kalagayan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya 346 Nasusuri ang pagkakaiba-iba ng antas ng pagsulong at pag-unlad ng Timog at Timog Silangang Asya gamit ang estadistika at kaugnay na datos Nasusuri ang epekto ng kalakalan sa pagbabagong pang- ekonomiya at pangkultura ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya Nasusuri ang epekto ng mga samahang kababaihan at ng mga kalagayang panlipunn sa buhay ng kababaihan tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang- ekonomiya at karapatang pampolitika Nasusuri ang kinalaman ng edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano Natataya ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay Napahahalagahan ang mga kontribusyon ng Silangan at Timog Silangang Asya sa larangan ng sining at humanidades at palakasan Nahihinuha ang pagkakakilanlan ng kulturang Asyano batay sa mga kontribusyon nito MGA INAASAHANG KAKAYAHAN Upang maisakatuparan ang pagkatuto sa Modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin ang sumusunod: 1. Mabigyang kahulugan ang mahahalagang konsepto na may kaugnayan sa paksa 2. Makapagsuri ng mga talahanayan, larawan at primaryang sanggunian 3. Makabuo ng pag-unawa tungkol sa mga nanatili, nagbago at nagpatuloy sa lipunang Asyano mula ika-16 na siglo hanggang sa ika- 20 siglo at ang epekto nito sa mga mamamayan 4. Makilahok sa kinabibilangang pangkat sa pagtupad ng iba’t ibang gawaing pampagkatuto. 5. Makapagsulat ng iyong repleksiyon o realisasyon tungkol sa iba’t ibang antas ng transpormasyon ng mga bansang Asyano 347 PAUNANG PAGTATAYA Ngayon, subukin mo nang sagutin ang panimulang pagsusulit na magtatakda kung ano na ang iyong alam sa mga aralin. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagsagot. Bigyang-pansin ang mga katanungan na hindi mo masasagutan nang wasto at alamin ang wastong kasagutan nito sa iba’t ibang aralin sa Modyul na ito. 1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismong Kanluranin sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo? a. Nagpatayo ng mga simbahan upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo b. Nagtalaga ng mga banyagang kinatawan upang pamunuan ang nasakop na bansa c. Nagpagawa ng mga kalsada at riles ng tren upang mapabilis ang pakikipagkalakalan d. Nagpalabas ng mga kautusan upang mapasunod ang mga katutubong Asyano 2. Isa ang Tsina sa mga bansang nakaranas ng pananakop ng mga Kanluranin. Magkakaiba ang pamamaraan at layunin ng mga Tsino na nakipaglaban para makamit ang kanilang kalayaan. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari na may kaugnayan sa pagpapakita ng mga Tsino ng damdaming Nasyonalismo. I. Pagtatatag ni Sun Yat Sen ng partidong Kuomintang II. Paghihimagsik ng mga Boxer laban sa mga Kanluranin III. Pagsiklab ng Rebelyong Taiping laban sa mga Manchu IV. Pagsikat ng partidong Kunchantang sa pamumuno ni Mao Zedon a. III, II, I at IV b. I, II, III, at IV c. II, III, I, at IV d. IV, III, I, at II 3. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan, paghahandog ng 348 sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan ang konseptong tinutukoy ay- a. Patriotismo b. Kolonyalismo c. Nasyonalismo d. Neokolonyalismo 4. Inanyayahan ka ng iyong kaibigan na manood ng pagtatanghal ng Miss Saigon na gaganapin sa CCP. Gaganap ka bilang Kim, ang pangunahing tauhan sa nasabing pagtatanghal si Lea Salonga. Sa anong larangan siya nakilala? a. Arkitektura b. Musika c. Palakasan d. Pulitika 5. Maraming pagbabago ang naganap sa mga bansang napasailalim sa kapangyarihang kanluranin. Suriin ang tsart sa ibaba na nagpapakita ng epekto ng kolonyalismo sa isang bansa. Sa iyong palagay, anong aspeto ang nagbago na ipinapakita ng tsart? Epekto ng Kolonyalismo ? Pagkaubos ng Paglaganap ng lokas na yaman kahirapan Paglaganap ng pagtatanim ng mga produkto para sa monopolyo a. edukasyon b. kabuhayan c. lipunan 349 d. pulitika 6. Para sa aytem na ito, suriin ang ipanapakita ng mapa sa ibaba: Ayon sa mapa, ano-ano ang mga bansang Kanluranin na nanakop ng mga lupain sa Silangan at Timog Silangang Asya? a. Great Britain, Netherlands, Portugal, Spain b. France, Netherlands, Spain, Portugal c. Portugal, United States of America, Spain, Netherlands d. United States of America, Spain, Portugal, Great Britan 7. Nadama ng maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang pagnanais na lumaya. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga pamamaraang ginamit sa Timog Silangang Asya kagaya ng Pilipinas, Indonesia, Myanmar at iba pa upang lumaya? a. Pagsunod at paghihintay b. Pagtutol at pakikipagtulungan c. pakikipagtulungan at pagpapakabuti d. Pananahimik at pagwawalang bahala 8. Para sa aytem na ito, suriin ang kasunod na mga larawan : Ano ang pagkakatulad ng nagawa ng kababaihan na nasa larawan? 350 Megawati http://en.wikipedia.org/wiki/File:Aung_San_Suu_Kyi_17_November_2011.jpg Sukarnoputri Chandrika Kumaratunga Corazon Aquino Aung San Suu Kyi a. Nagtaguyod ng demokrasya sa kanilang bansa b. Nakibaka para sa karapatan ng mga babae sa kanilang bansa c. Nanungkulan sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan ng kanilang bansa d. Nagpairal ng bagong uring pamahalaan sa kanilang bansa Para sa aytem na blg.9, suriin ang kasunod na larawan . Commented [SI1]: Change picture with ebok drawing. thanks http://www.google.com.ph/imgres?q=colonialism+in+southeast+asia&num=10&hl=fil&biw=1280&bih=563&tbm=isch&t bnid=aXFAxKOiZN7vyM:&imgrefurl=http://blogs.bauer.uh.edu/vietDiaspora/blog/colonial- 9.
Details
-
File Typepdf
-
Upload Time-
-
Content LanguagesEnglish
-
Upload UserAnonymous/Not logged-in
-
File Pages160 Page
-
File Size-