Iba't Ibang Unibersidad, Nagbigay Ng Career Orientation Ginanap Ang Carreer Orientation Ng 4Th Year Department Sa Brown Villa Mu

Iba't Ibang Unibersidad, Nagbigay Ng Career Orientation Ginanap Ang Carreer Orientation Ng 4Th Year Department Sa Brown Villa Mu

Iba't ibang unibersidad, nagbigay ng career orientation Ginanap ang carreer orientation ng 4th year department sa Brown Villa mula Ika-12 hanggang Ika-16 ng Setyembre 2011. Ito ay dinulugan ng 39 colleges at universities upang magbigay ng mga patalastas tungkol sa kanilang paaralan. Ang mga paaralang dumating ay ang mga sumusunod: Saint Pedro Poveda College, Assumption College, UA&P, Asia Pacific College, Informatics, Mapua, St.Augustine, Central Colleges of the Philippines, MINT, AMA(Pasig), CIIT, World Citi Colleges, TIP, JRU, Colegio De San Juan De Letran, UST, Our Lady of Fatima, iAcademy, ABE, AMA( Mandaluyong), Entrepreneur School of Asia, San Sebastian College, National University, Far Eastern University, Centro Escolar University, FEU-East Asia College, Dominican College, STI, Treston International College,UE, La Consolacion College, Emilio Aguinaldo College, Adamson university,ACLC, American Hospitality Academy, Our Lady of Guadalupe College,Lyceum of the Philippines, Feati University, St.Scholastica's College.Ang mga ito ay nag-iwan sa seniors ng mga payo ukol sa mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagpili ng kurso at paaralan. Nagbigay naman ng isang lektura si Ginoong Jose De Guzman Jr. na makatutulong sa mga mag-aaral upang makilala nila ang kanilang sarili. Talento Para sa Isang Makabuluhang Buhay Palasak na ngayon sa telebisyon ang mga talent search programs na nagnanais magdiskubre ng iba't ibang kakayahan ng mga tao. Ang iba'y katuwaan lang ang pagsali , at ang iba nama'y seryosong pinapatunayan ang kanilang sarili. Sa panahon ngayon, 'di na uso ang maganda ka. Kailangang maging matalino't talentado ka upang ika'y sumikat. Maraming tao na nga ngayon ang popular sa iba't ibang larangan; isang patunay na tayo'y biniyayaan ng Diyos ng kakayahan. Pero ang tanong: ginagamit ba natin ito sa tama? para kanino nga ba natin 'to ginagawa ? Ang lahat ng bagay ay may dahilan. Ang mga talentong ibinibigay Niya na lumikha sa atin ay hindi Niya ibinigay para lamang sa mga makasariling nais ng tao. Ito ay mga kakayahang magagamit natin upang paglingkuran Siya. Maaaring talento sa pag-awit at pagsayaw upang luwalhatiin Siya; Pagsulat upang ipamahagi Siya; At iba pang espesyal na talento upang paligayahin Siya. Walang kahulugan ang mga papuri ng tao kung di makabuluhan ang buhay natin. Walang halaga ang mga kritisismo ng tao kung alam nating may kabuluhan ang buhay natin. Maaaring iba't iba ang ating depenisyon sa isang "makabuluhang buhay" pero isa lang ang sigurado : Ang pamumuhay ayon sa plano ng Diyos at pamumuhay para sa Diyos ay hindi mahihigitan ng kahit anong makasariling gawa ng tao. Dahil Siya lang ang nakaaalam ng pinakamabuting plano para sa'tin. .

View Full Text

Details

  • File Type
    pdf
  • Upload Time
    -
  • Content Languages
    English
  • Upload User
    Anonymous/Not logged-in
  • File Pages
    2 Page
  • File Size
    -

Download

Channel Download Status
Express Download Enable

Copyright

We respect the copyrights and intellectual property rights of all users. All uploaded documents are either original works of the uploader or authorized works of the rightful owners.

  • Not to be reproduced or distributed without explicit permission.
  • Not used for commercial purposes outside of approved use cases.
  • Not used to infringe on the rights of the original creators.
  • If you believe any content infringes your copyright, please contact us immediately.

Support

For help with questions, suggestions, or problems, please contact us