AP6-Q4-WK 1-3 ARALIN 1- ANG MGA SULIRANIN AT HAMON SA ILALIM NG BATAS MILITAR

ANG MGA SULIRANIN AT HAMON SA ILALIM NG BATAS MILITAR Ayon kay dating Pangulong E. Marcos kinakailangan ang Batas Militar upang maiwasan ang ang mga panganib katulad ng rebelyon, paghihimagsik, paglusob, at kaguluhan. Ang pamamaraang ito ay isang marahas na hakbang na nagdulot ng mga sumusunod na suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar.

- Ang paghahari ng Ikatlong Republika na tumagal nang mahigit dalawang dekada ay nagwakas noong 1972 nang ilagay ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar. -Di maitatatwa na ang mga program ani pangulong Marcos, gaya ng programa ng iba pang mga pangulo ng ikatlong Republika ay nakasentro sa pagkakamit ng kaunlarang pangkabuhayan. -Ang unang termino ng pangasiwaan ni Marcos ay sadyang natatangi gaya ng natalakay sa nakaraang aralin tungkol kay pangulong Marcos

- Noong ikalawang termino ng pamumuno ni Marcos ay naharap siya sa maraming suliranin. 1. Lumaganap ang kaguluhan sa bansa. Lalo pang lumubha ang kahirapan ng maraming mamamayan. 2. Nagpatuloy ang malaking agwat ng mayayaman at mahihirap. 3. Nagsimula na ang pagdaing ng mga tao dahil sa mga pangyayari sa lipunan. 4. Naging sunod- sunod ang mga demonstrasyon sa mga lansangan. 5. Lumubha nang lumubha ang suliranin sa katahimikan at kaayusan ng buong kapuluan.

Naniwala si Marcos na hindi malulunasan ang malubhang suliranin ng bayan, kaya’t kinakailangan ang paggamit ng walang pasubaling kapangyariahan. -Kaya, noong ika-21 ng Setyembre 1972, isang pangyayari sa kasaysayang hinding- hindi malilimutan ng bawat Pilipino ang nangyari, ang pagdedeklara ni Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas Militar.

-Ang Batas Militar ay isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang mga panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob, at karahasan.

A. Politika at Pamahalaan Sa ilalim ng aspetong ito, naganap ang mga pagbabago sa pamahalaan. 1. Pagbabago ng Saligang Batas - Sa ilalim ng Saligang Batas 1973, naging isa ang sangay ng lehislatibo at tagapagpaganap. 2. Pagbabago ng Sistema ng Pamahalaan- Nagbago ang uri ng pamahalaan mula pampanguluhan ay naging parliamentaryo. Ito ay may pangulo at punong ministro, na siya namang parehong ginampanan ni Pang. Ferdinand E.Marcos. 3. Paglaganap ng nepotismo- Magkakamag-anak ang nakapwesto sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan kung kaya’t lumaganap rin ang katiwalian at korapsyon. 4. Pagpapadakip sa mga kalaban sa politika- Ang paghuli o pagpaslang sa mga politiko na kalaban. Gayundin ang mga komentarista sa radyo at telebisyon na tumuligsa sa kanya at pagpigil sa pag-alis ng bansa ng mga kalaban niya.

Sa ilalim ng Batas Militar, nagkaroon ng espesyal na kapangyarihan ang pangulong gumawa ng mga batas sa pamamagitan ng: 1. Kautusang Pampanguluhan (Presidential Decree) 2. Kautusang Pangkalahatan (General Order) 3. Liham-Pagpapatupad (Letter of Instruction)

• Ang mga batas na ito ay pinairal ni Marcos sa lahat ng mga sibilyang sangay. • Ang Kautusang Pampanguluhan ay may bisa at kapangyarihan tulad ng mga batas na ipinalalabas ng Kongreso. • Ang isa sa mga unang batas na isinagawa ni Marcos ay ang pagpapalabas ng Pangkalahatang Utos Blg. 2-A na nag-aatas sa Kalihim ng Tanggulang Pambansa na dakpin o hulihin ang mga taong nakagawa ng krimen o alinmang pagkakasalang may kinalaman sa krimeng panghihimagsik laban sa pamahalaan. • Sa panahon ng Batas Militar ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa isang tao lamang. . • Ang pangulo ang higit na makapangyarihan sa lahat. • Bukod sa pagiging pangulo, siya rin ang tumatayong Punong Ministro. • Lalong naging makapangyarihan si Pangulong Marcos nang baguhin at pagtibayin ang Saligang Batas ng 1973. • Bukod sa pagiging puno ng sangay tagapagpaganap ay siya rin ang namahala sa Batasan at gabinete. • Namahala rin siya sa mga korteng militar. Dito nililitis ang mga nagkakasalang sundalo at sibilyan

B. Katahimikan at Kaayusan Sinuspinde ang ilang karapatang pantao at nawalan ng kalayaang magpahayag 1. Pagsuspinde sa karapatan sa writ of habeas corpus. Nawala rin ang karapatang ipagtanggol ang sarili at sumailalim sa tamang proseso ng pagdakip at paglilitis. 2. Pagbabawal sa pagdaraos ng mga rali, welga, at pampublikong pagpupulong. Ipinatupad rin ang curfew hours mula alas-dose ng hatinggabi hanggang alas-kwatro ng umaga.

1. PAGSILANG NG MGA MAKAKALIWANG PANGKAT Sila ang mga naghahangad ng mga pagbabago sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan. Ilan sa mga pangkat na ito ay ang sumusunod: Communist Party of the Philippines (CPP) • Ang samahang ito ay itinatag noong 1968 ni , dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang mga simulain nito ay hango sa ideolohiya ni Mao Tse Tung, ang pinuno ng Komunistang Tsina. NEW PEOPLE’S ARMY (NPA) • Ang samahang ito ay itinatag noong 1969. Ito ay binubuo ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa hindi kanais-nais na gawain ng mga may-ari ng lupang kanilang sinasaka. Ngunit hindi nagtagal, iba’t ibang uri ng mga tao ang sumapi rito na nahiyakat ng magagandang pangakong inaalok ng pamumuhay sa ilalim ng komunismo. Ang kilusang ito ay lumaganap hanggang sa Mindanao. Sila ay nakipaglaban sa pamamagitan ng dahas, sapagkat naniniwala silang ang pag-aaklas na lamang ang natitirang solusyon upang makamit ang hinahangad na pagbabago at kaunlaran ng bansa. Moro National Liberation Front (MNLF) • Ito naman ay itinatag noong Marso 18, 1968 ni Nur Misuari, isa ring dating propesor ng Unibersidad ng Pilipinas. Binubuo ito ng mga Muslim ninais magtatag ng hiwalay na pamamahalang tinatawag nilang Republika ng Bangsamoro. Malaki ang hinanakit ng mga Muslim na ito sa pamahalaan dahil sa di umano’y pagpapabaya ng pamahalaan sa kanilang kaunlaran.

2. PAGLUBHA NG SULIRANIN SA KATAHIMIKAN AT KAAYUSAN • Dahil nawala ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan ay naging madalas ang mga pagrarali at demonstrasyon ng mga estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Pamantasang Normal ng Pilipinas, Philippine College of Commerce, at marami pang iba.

• Isang malaking rali ang idinaos ng National Union of Students of the Philippines sa harap ng gusali ng Kongreso noong Enero 26, 1970. Hiniling ng mga estudyante at mga guro ang pagkakaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas (Constitutional Convention). Sinundan ito ng isa pang rali noong Enero 30,1970 na higit na magulo na naging sanhi ng pagkamatay ng apat na raliyista.

3. PAGBOMBA SA PLAZA MIRANDA • Idinaos ang halalan ng mga senador at mga opisyal ng pamahalaang lokal noong 1971. Noong Agosto 21, 1971 ginanap ang pagpapahayag ng mga kandidato ng Partido Liberal sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila. Sinasabing kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagpapasabog subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin napatutunayan ang may kagagawan ng pangyayari. 4. PAGSUSUSPINDE SA PRIBILEHIYO NG WRIT OF HABEAS CORPUS • Sanhi ng sunod-sunod na kaguluhan ay nagdesisyon si Pangulong Marcos na ipahayag ang Proklamasyon Blg. 889 na nagsususpinde o pumipigil sa Karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus. Ang writ of habeas corpus ang nagbigay ng karapatan sa mamamayang sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis. Bawat mamamayan ay may karapatang mabasa muna ang warrant of arrest bago siya litisin o hulihin. Ang pribilehiyong ito ay nangangalaga sa mga mamamayan upang hindi sila makulong nang labag sa batas.

Ilan sa mga alituntuning ipinatupad ng batas Militar ay ang sumusunod: 1. Pag-iral ng curfew hour mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas kuwatro ng umaga. 2. Pagbawal ng mga rali, demonstrasyon at pagwewelga 3. Pagkontrol ng pamahalaan sa mga pahayagan, radyo, at telebisyon upang masala ang mgabalitang ilalabas sa madla 4. Paggawad ng parusang kamatayan sa sinumang mahuhuling magdadala ng armas nang walang pahintulot.

C. Ekonomiya at Pangkabuhayan 1. Ipinasara ni Marcos ang piling mga pahayagan, radyo,at telebisyon. Sa pagpapasarang ito, maraming mga Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay. 2. Pinangasiwaan ng pamahalaan ang pagpapatakbo ng ilang pribadong kompanya tulad ng Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT) Electric Company (MERALCO), at mga sasakyang panghimpapawid

GAWAIN 1- Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tumutukoy sa naging suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar at MALI kung hindi. ______1. Pagpigil sa pag-alis sa bansa ng mga kalaban sa politika. ______2. Pagpapasara ng piling pahayagan,radyo,at telebisyon. ______3. Ang paglakas ng puwersa ng makakaliwang pangkat at mga rebelde. ______4. Humina ang kapangyarihan ng pangulo ng Pilipinas sa panahon ng Batas Militar. ______5. Ang pagsuspinde ng writ of habeas corpus na nagdulot ng di- makatarungang pagdakip at paglilitis.

ARALIN 2: PAGKILOS AT PAGTUGON NG MGA PILIPINONG NAGBIGAY DAAN SA PAGWAWAKAS NG BATAS MILITAR.

Ang ilan sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakaroon ng People Power I ay ang mga sumusunod: 1. Pagpaslang kay Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Binaril si Sen. Benigno “NinoyAquino na isa sa mga pangunahing kritiko ng pamahalaang Marcos sa kanyang pagbabalik mula sa Amerika. Ang kanyang pagkamatay ang lalong nagpagalit sa taumbayan. Milyong tao ang dumalo sa kanyang libing.

2. Pagbagsak ng Ekonomiya. Nagkaroon ng paglabas ng salapi sa Pilipinas o tinatawag na capital flight, marami ang nawalan ng trabaho. Lumobo ang utang ng Pilipinas sa International Monetary Fund at World Bank at iba pang dayuhang bangko. Humina ang turismo, kasabay nito ang pagbaba ng halaga ng piso sa dolyar at ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Dahil dito nawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa pamahalaan dahil na rin sa naranasang kahirapan sa bansa.

3. Biglaang Halalan o Snap Election ng 1986. Upang ipakita sa IMF na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas at may tiwala pa rin ang mga Pilipino sa pamahalaan kung kaya’t ginanap ito noong Pebrero 7, 1986. Nagharap si at , maybahay ni Sen. “Ninoy” Aquino Jr.,sa pagkapresidente at si at Salvador Laurel sa pagka bise-presidente. Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na nagwagi si Marcos, samantalang si Aquino naman ang nagwagi ayon sa National Movement for Free Elections (NAMFREL).

4. Pagwalk-out ng mga kawani ng COMELEC.Naging matindi ang pandaraya sa bilangan ng balota. Ang ilang mga kawani ng COMELEC ay nag-walk-out dahil hindi nila masikmura ang nagaganap na pandaraya sa halalan.

5. Proklamasyon ng Batasang Pambansa. Itinuloy ng Batasang Pambansa ang canvassing sa mga balota at natapos ito noong Pebrero 15. Nanalo si Marcos ng higit sa 1.5 milyong boto kay Aquino ayon sa kanilang bilang. Idineklara ang pangulo at pangalawang pangulo na sina Marcos at Tolentino.

6. Civil Disobedience o Nonviolent Protests. Nanawagan ang simbahan sa pamahalaan na ilabas ang malinis, matapat at kapani-paniwalang resulta ng halalan. Hinikayat din ni Cory Aquino na boykotin ang lahat ng bangko, korporasyon o industriyang pag-aari ng mga cronies ni Marcos. Kasama rin dito ang pagdaraos ng mga welgang bayan at hindi pagsunod sa mga pananagutang sibil katulad ng pagbabayad ng singil sa tubig at kuryente.

EDSA PEOPLE POWER I Nagbitiw sa tungkulin noong Pebrero 22, 1986 sina bilang Ministro ng Tanggulang Pambansa at si Hen. Fidel V. Ramos, ang Vice Chief of Staff ng Sandatahang Lakas at tumiwalag sa gabinete ni Marcos. Hiniling nila ang pagbibitiw ng pangulo sa pwesto kasabay ng panawagan sa taumbayan na suportahan at bigyan ng proteksyon ang Reform the Armed Forces Movement (RAM), mga militar na tumiwalag sa pamahalaan. Ito na ang pagsisimula ng EDSA People Power I

Nanawagan sa mga mamamayan sina Jaime Cardinal Sin, ang Arsobispo ng Maynila, Agapito “Butz” Aquino, ang nakababatang kapatid ni Ninoy Aquino at si June Keithley, isang dating announcer sa telebisyon na at magpakahinahon. Sa pamamagitan nito, dumagsa ang milyong tao sa Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA) sa pagitan ng at . Umabot sa tatlong milyong katao ang dumagsa sa EDSA sa Channel 4 at sa Mendiola Bridge. Ang mga ito ay nag-alok ng mga dala nilang pagkain, rosaryo at bulaklak sa mga sundalo. Nagdasal at nag- awitan ng makabayang awitin ang mga tao noong araw na iyon. Nanumpa bilang pangulo si Corazon Aquino at pangalawang pangulo si Salvador Laurel sa harap ng Punong Mahistrado sa , Greenhills, San Juan noong Pebrero 25, 1986. Dalawang oras pagkatapos ay iprinoklama din bilang pangulo si Ferdinand Marcos sa Malacañang. Nagpatuloy ang pagdagsa ng mga tao. Bandang alas 9:30 ng gabi nang lisanin ni Marcos ang Malacañang kasama ang kanyang pamilya at ilang kaibigan patungong , USA.

Ang Cebu, Davao at Baguio ay nakibahagi rin sa mga demonstrasyon: sa Sorsogon ay nagpamalas sila ng sarili nilang People Power. Minatyagan nila ang paligid ng estasyon ng radyo na nasa simbahan na pinatatakbo ng Obispo ng Bicol na si Monsenyor Jesus Varela na naghahatid ng balita hinggil sa demonstrasyong nagaganap sa Maynila.

GAWAIN 1 Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. HANAY A HANAY B ______1. Mapayapang paraan ng pagpoprotesta A. RAM ______2. Pangyayaring naganap noong Pebrero 7, 1986 B. Hawaii ______3. Lugar kung saan ginanap ang People Power I C. EDSA ______4. Nagbitiw na Ministro ng Tanggulang Pambansa. D. Club Filipino ______5. Nagbitiw na Vice Chief of Staff ng Sandatahang E. Fidel Ramos Lakas F. Malacañang ______6. Lugar kung saan nanumpa bilang pangulo si G. snap election Pang. Aquino H. Juan Ponce Enrile ______7. Punong Mahistradong pinanumpaan nina Aquino I. civil disobedience at Laurel J. Jaime Cardinal-Sin ______8. Lugar kung saan nagtungo si Marcos at ang K. Claudio kaniyang pamilya Teehankee ______9. Pangkat ng mga sundalong tumalikod sa pamahalaang Marcos ______10. Arsobispo ng Maynila na nanawagan sa mga mamamayan na maging mahinahon..

AP6-Q4- WK 4-5 ARALIN 1: MGA ASPETO NG PAGTATAGUYOD NG KARAPATANG PANTAO SA DEMOKRATIKONG PAMAMAHALA

Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan at katiwasayan sa lahat ng aspeto ng ating buhay sa lipunang Pilipino. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) na nabuo ng United Nations noong 1948 ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal at kultural.

Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at pangkatan. Ang indibidwal o personal na karapatan ay mga karapatan na pag-aari ng bawat tao para sa pag-unlad ng sariling pagkatao at kapakanan. Ang mga karapatang ito ay ang sibil, pulitikal, panlipunan, pangkabuhayan at kultural na karapatan. Ang pangkatan o kolektibong karapatan naman ay ang mga karapatan ng tao na bumuo ng pamayanan upang isulong ang panlipunan, pangkabuhayan at pangkultural na pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit kanilang likas na kayamanan at pagsusulong ng malusog na kapaligiran.

Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8,11,12,13,18 at 19. Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014) may tatlong uri ng karapatan ang bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Natural rights ang mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado kabilang ang karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian. Constitutional rights naman ang mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng estado kabilang ang karapatang politikal, karapatang sibil, karapatang sosyo-ekonomiko at karapatan ng akusado.

• Karapatang Politikal – Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.

• Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais ngunit hindi lumalabag sa batas.

• Karapatang Sosyo-ekonomiko – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.

• Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang krimen.

Statutory rights naman ang mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas tulad halimbawa ng Karapatang makatanggap ng minimum wage.

Kaakibat ng pagkamamamayan ang mga taglay nitong karapatang pantao. Inilahad sa Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas ang mahahalagang karapatang sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural na nararapat na itaguyod ng pamahalaan para sa mamamayan nito. Ang katipunan ng mga karapatang ito ay nagsisilbing pundasyon ng estado sa paggawa ng mga batas at polisiya upang palakasin at mapangalagaan ang pagkamamamayan ng mga Pilipino. Sa pagkilala ng pamahalaan ng mga karapatang pantao ng mamamayan, naging tungkulin nito na ipagkaloob ang paggalang sa bawat indibiduwal, proteksiyon laban sa pang-aabuso ng mga karapatang ito, at pagsagawa ng mga positibong aksiyon upang lubos na matamasa ng mamamayan ang ginhawang dulot ng mga karapatang pantaong ito.

GAWAIN 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek () kung tama ang isinasaad at ekis (X) naman kung hindi. ______1. Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. ______2. Ang pagkakaroon ng pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pa, ay nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. ______3. Sa bawat karapatang tinatamasa ng mamamayan, hindi na kailangan pang alamin ang mga kaakibat na responsibilidad nito. ______4. Ang karapatang pantao ay nahahati sa karapatan bilang indibidwal at dalawahan. ______5. Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng pinagsama samang karapatan ng bawat tao.

ARALIN 2: Pagtataguyod Sa Karapatang Pantao

Sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National Human Rights Institution (NHRI)” ng Pilipinas. Nilikha ito ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas alinsunod sa Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII.

Programa at Serbisyo ng Commission on Human Rights • pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao. • pagbibigay tulong at serbisyong legal sa mga biktima • pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag sa karapatang pantao • pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service • pagbibigay tuon sa iba’t ibang programa, estratehiya, at advocacy campaign upang higit na makapagbigay ng impormasyon at aktibong makalahok ang mga mamamayan sa pangngalaga ng mga karapatang pantao sa bansa

Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC), tumutukoy ang children’s rights o mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na may gulang na 17 at pababa. Ang mga karapatang ito ay kailangan ng mga bata upang magkaroon ng mabuti at ligtas na buhay, at mahubog ang kanilang kakayahan upang magtagumpay sa buhay at maging yaman ng bansa sa hinaharap. Ang bawat bata, anuman ang kasarian at katayuan sa buhay ay nararapat na may taglay na karapatan.

Ilang Non-Government Organization na Aktibo sa Pagtataguyod ng Karapatang Pantao *Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) – itinatag ang alyansang ito noong 1986 at nilahukan ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nilalayon ng PAHRA na itaguyod, pangalagaan, at isakatuparan ang tunay na pag-iral ng mga karapatang pantao sa bansa.

*Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) – isang organisasyon na nakarehistro sa SEC simula pa noong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at sa UN Economic and Social Council. Hangad ng PhilRights na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkakapantay- pantay ng tao.

*KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights – ito ay alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa mga programa ng alyansa ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta sa mga gawaing magtataguyod sa karapatang pantao.

* Free Legal Assistance Group (FLAG) – ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at . Ilan sa mga adbokasiya ng FLAG ay ang paglaban sa pag-usig sa mga indibidwal sa kadahilanang politikal, pangaabuso ng militar at kapulisan, at parusang kamatayan.

*Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) – Itinatag ito noong 1974. Sinimulan ito na may adhikaing matulungan ang mga political prisoner.

PANGWAKAS NA GAWAIN Panuto: Unawain ang pahayag at salungguhitan ang tamang sagot sa loob ng panaklong. 1. Pangunahing tungkulin ng (Commission on Human Rights, Philippine Alliance of Human Rights Advocates) ang pangalagaan ang mga karapatang pantao at pagkakaloob ng mga pangunahing programa at serbisyo sa mga mamamayan.

2. Ang (Philippine Alliance of Human Rights Advocates, Free Legal Assistance Group) ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao.

3. Ang alyansa ng mga indibidwal, organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995 ay tinatawag na (United Nations Convention on the Rights of Child, Alliance for the Advancement of People’s Rights).

4. Ang (Children’s Rights, Childrens’ Month) o mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na may gulang na 17 at pababa.

5. Isa sa mga serbisyo ng CHR na ibinibigay sa mga biktima ay ang (pagdodokumento ng reklamo ng paglabag sa karapatang pantao, paghahanap ng bagong kasapi).

AP6-Q4-WK 1-3 AT AP6-Q4-WK 4-5 QUIZ

A. Nasusuri ang Suliranin at Hamon sa Ilalim ng Batas Militar Gawain 1: Unawain Mo! Panuto: Lagyan ng tsek () kung ang pahayag ay nagpapakita ng naging suliranin at hamon sa ilalim ng Batas Militar at lagyan ng ekis (X) kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang. _____ 1. Ang Proklamasyon Blg. 889 -A noong 1971 o pagsuspindi ng karapatan sa writ of habeas corpus ay ipinatupad sa buong bansa. _____ 2. Dahil sa mga panlipunan at pang-ekonomiyang suliranin na kinaharap ng Pilipinas naging madalas ang rali at demonstrasyon ng mga estudyante at manggagawa laban sa pamahalaang Marcos . _____ 3. Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala mula sa sistemang pampanguluhan ito ay naging parliamentaryong pamahalaan. _____ 4. Lumakas ang pwersa ng makakaliwang pangkat katulad ng NPA, CPP at ang pagusbong ng MNLF na layunin bumuo ng sariling estado para sa mga Muslim. _____ 5. Ang pagpapahuli ng administrasyong Marcos sa mga politiko, kritiko at mga komentarista sa radyo at telebisyon ay naging dahilan upang siya ay tuligsaan ng kanyang mga kritiko. _ ____ 6. Ang paglala ng suliranin sa katahimikan at kaayusan sa maraming lugar sa bansa ang isa mga pangyayaring ginamit ni Pangulong Marcos upang ipatupad ang Batas Militar. _____ 7. Ipinatupad ang Atas ng Pangulo Bilang.86 ng 1972 upang palakasin ang pamunuan ng barangay sa pamamagitan ng paglikha ng asembleya ng mga mamamayan na pamumunuan ng isang Punong Barangay. _____ 8. Ang pagbomba sa Plaza Miranda sa pagtitipon ng Partido Liberal noong 1972 ay ikinasawi ng ilan sa mga dumalo ay ibinintang sa NPA. _____ 9. Dahil sa pagpapatupad ng Batas Militar, ipinagbawal ang pagdaraos ng mga welga at pampublikong pagpupulong. _____ 10.Sinuspinde ang paglalabas ng mga pahayagan, programa sa radyo at telebisyon at kinontrol ng pamahalaan ang pangngasiwa nito.

B. Mga Pangyayari na Nagbigay-daan sa Pagsisimula ng People Power I Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad sa mga pangyayari na naging sanhi ng People Power I at MALI naman kung hindi. ______1. Pagpaslang kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino noong Agosto 21, 1896. ______2. Ang pagkaroon ng biglaang halalan o snap election noong Pebrero 7, 1896. ______3. Pagproklama kay dating pangulong Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas. ______4. Ang pag-walkout ng mga kawani ng COMELEC dahil sa mga sinsabing pandarayang naganap noong snap election. ______5. Pagbagsak ng kabuuang ekonomiya ng bansa noong 1980s. ______6. Dahil sa pananawagan ni Arsobispo Jaime Cardinal Sin ng Maynila sa Radyo Veritas na magkaisa ang mga Pilipino upang protektahan ang mga sundalong nag aklas laban kay Pangulong Marcos. ______7. Pag-alis sa bansa ni dating Pangulong Marcos at ng kaniyang pamilya noong 1986. ______8. Pagdagsa ng milyong tao sa EDSA upang ipakita ang suporta at pagmamahal sa demokrasya ng bansa. ______9. Binuo ang Presidential Commission on Good Governance na pinamunuan ni . ______10. Pagkawala ng tiwala ng sambayanan sa pamahalaan dahil sa laganap na kahirapan

C. Pumili ng tamang sagot at isulat ito sa patlang. ______1. Ito ang tawag sa paglabas ng salapi sa Pilipinas dahil sa pag-alis ng mga negosyante dahil sa mga nagaganap sa bansa. A. capitalist C. capital flight B. capitalism D. capital money ______2. Ang hindi pagtupad ng mga mamamayan sa kanilang mga pananagutang sibil bilang pagpapakita ng hindi pagsang-ayon sa pamahalaan. A. civilian C. revolution B. civil disobedience D. people power ______3. Siya ang senador at pangunahing kritiko ni dating Pangulong Marcos na pinaslang sa Manila International Airport. A. Ninoy Aquino C. Jovito Salonga B. D. Behn Cervantes ______4. Tumakbo bilang kalaban ni dating Pangulong Marcos sa naganap snap election noong Pebrero 7, 1986. A. Arturo Tolentino C. Ninoy Aquino B. Corazon Aquino D. Salvador Laurel ______5. Milyun-milyong katao ang nakibahagi sa naganap na EDSA People Power I. Kailan naganap ang mahalagang pangyayaring ito sa kasaysayan? A. Pebrero 21-24, 1986 C. Pebrero 22-24, 1986 B. Pebrero 22-24, 1986 D. Pebrero 22-23, 1986

D. Piliin Mo Panuto: Salungguhitan ang tamang sagot na nasa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 1. Nagpatawag ng (snap election, referendum) si Pang. Marcos upang ipakita sa IMF na mabuti ang kalagayan ng Pilipinas at may tiwala pa rin ang mga Pilipino sa pamahalaan

2. Hinikayat, ni Cory Aquino na (suportahan, boykotin) ang mga industriyang pag-aari ng mga cronies ni Marcos.

3. Nagsimula ang EDSA People Power I noong (Pebrero 21, 1986, Pebrero 22, 1986).

4. Isa sa mga pangyayari na nagbunsod sa mga mamamayan na sumama sa People Power I ang pagkamatay ni (Rolando Galman, Senador Benigno Aquino Jr.).

6. Naganap ang pagwalk-out ng mga kawani ng (COMELEC, Batasang Pambansa) dahil sa dayaang naganap noong snap election.

AP6-Q4-WK 6 ARALIN 1: Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng Mga Pilipino mula 1986 Hanggang sa Kasalukuyan

Ang mga suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino sa bawat pamunuan ng mga pangulo. 1. Pangulong Corazon C. Aquino (1986-1992) • Patuloy na pakikipaglaban ng mga rebelde para sa kanilang ideolohiya. • Laganap na kahirapan at bagsak na ekonomiya • Kalamidad gaya ng intensity 7.7 na lindol (1990), pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Zambales at mga pagbaha sa Ormoc at Leyte (1991)

2. Pangulong Fidel V. Ramos (1992-1998) • Ang krisis sa kuryente o power shortage na tumatagal sa walo hanggang 10 oras araw-araw noong 1993. • Pagbaba ng halaga ng piso. • Katiwalian ng mga opisyal sa iba’t ibang kagawaran ng pamahalaan. • Matinding tagtuyot na dala ng El Niño.

3. Pangulong Joseph E. Estrada (1998-2001) • Ang suliranin sa kapayapaan dahil sa pagbomba at kidnap-for-ransom na kagagawan ng terorista. • Ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ang dahilan ng pagbagsak ng halaga ng piso at resulta ng Asian Economic Crisis. • Isyung katiwalian laban sa mga namumuno,

4. Pangulong Gloria M. Arroyo (2001-2010) • Isyu ng pandaraya sa eleksiyon ng pangulo noong Mayo 2004. • Mga anomalyang transaksyon hinggil sa mga proyekto ng pamahalaan. • Trahedya sa dagat na oil spill sa karagatan ng Guimaras at super typhoon na Milenyo.

5. Pangulong Benigno Simeon C. Aquino (2010-2016) • Ang usapin tungkol sa legal na may-ari ng mga lugar na sakop ng teritoryo ng Pilipinas sa bahagi ng West Philippine Sea – ang Spratly Islands at Scarborough Shoal. • Pag-uusig at pagtanggal sa pwesto sa mga tiwaling opisyal at kawani. • Mga kalamidad dahil sa Climate Change

6. Pangulong Rodrigo R. Duterte (2016-Kasalukuyan) • Mga namamatay at inaaresto dahil sa pinagbabawal na droga • Matinding trapiko sa Kamaynilaan at iba pang lungsod na nakaapekto sa ekonomiya • Pandemya ng COVID 19 • Ang suliraning pangkapayapaan sa mga komunista at terorista. • Mga katiwalian gaya ng korapsyon ng mga opisyal at kawani sa ibat-ibang ahensya ng pamahalaan.

GAWAIN 1

ARALIN 2: Programang Ipinatupad ng Iba’t Ibang Administrasyon sa Pagtugon sa mga Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula 1986 Hanggang sa Kasalukuyan

CORAZON C. AQUINO (Pebrero 1986-Hunyo 1992)  Pagpapatupad ng Trade Liberalization  Paglikha ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) na nagsagawa ng pagbawi ng nakaw na yaman na sinasabing nasa pamilyang Marcos  Pagpapatupad ng Comprehensive Agrarian Reform Program na nagtakda ng ganap na pagmamay-ari ng mga magsasaka sa sinasakang lupa  Free Public Secondary Education Act of 1988 na nagbigay ng libreng edukasyon sa mataas na paaralan  Batas Republika Blg. 6675 o ang Batas Generics 1988 na nagtakda ng paggamit ng generic na gamot na mas abot kaya ngunit kasing bisa ng branded.  Paglagda sa Local Government Code (R.A. 7160) na naging simula ng disentralisasyon sa pamamahala

FIDEL V. RAMOS (Hunyo 1992-Hunyo1998)  Pagtataguyod ng programang Philippines 2000 upang maging isang Newly Industrialized Country ang bansa  Pagtatatag ng Presidential Anti-Crime Commission upang masugpo ang paglaganap ng krimen sa bansa  Pinagtibay ang Electric Power Crisis Act upang tugunan ang krisis sa enerhiya  Pagbuo sa Special Zone for Peace and Development in Southern Philippines (SZOPAD) na nagsulong ng usaping pangkapayapaan sa Mindanao

JOSEPH E. ESTRADA (Hunyo 1998-Enero 2001)  Pagkakaroon ng mga rolling store na nagtitinda ng murang bigas at iba pang pangunahing pangangailangan sa ilalim ng programang Enhanced Retail Access for the Poor.  Pagtatatag ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) upang masugpo ang lumalaganap na kidnapping at bank robbery sa bansa.  Naging prayoridad ang pagsasaayos ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng Poverty Eradication Program

GLORIA MACAPAGAL ARROYO (Enero 2001-Hunyo 2010)  Pagsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng Presidential Anti-Graft Commission  Pagpapatupad ng KALAHI Program  Pagpapatupad ng Strong Republic Nautical Highway o RORO na naglalayon na pag-isahin ang sistema ng lansangan at daungan na nag-uugnay sa Luzon, Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng tinaguriang Highways of the Sea o roll- on roll-off ferries.  Pagkakaroon ng Gloria Labandera Rolling Store na nagtitinda ng pagkain at gamot sa mas murang halaga  Pagpapatibay sa Power Reform Program Act, Anti-Money Laundering Act at E- VAT

BENIGNO SIMEON C. AQUINO III (Hunyo 2010-Hunyo 2016)  Nadagdagan ng 2 taon ang pag-aaral sa ilalim ng basic education dahil sa paglulunsad ng K to 12 Program  Nagsampa ng kaso sa International Arbitration Court upang pigilin ang patuloy na paglabag ng sa mga pandaigdigang kasunduan sa mga karapatan ng bansa sa katubigan at kalupaan sa loob ng kanilang teritoryo.  Pinalawak na pagpapatupad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps na naglalayon na matulungan ang mahihirap na pamilya sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal o cash grant.  Pagbuo ng Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct for Ethical Standards for Public Officials and Employees na nagtakda ng mga pamantayan sa pagganap sa tungkulin ng mga kawani at opisyal ng pamahalaan.

RODRIGO R. DUTERTE (Hunyo 2016-Kasalukuyan)  Pagsasagawa ng Build, Build, Build Program na naglalayong maglatag ng malaking proyektong pang-imprastraktura. Ito ay may 75 flagship projects tulad ng lansangan at tulay, seaports at airports, flood control at water resource facilities, railways at mga pasilidad para sa public transport.  Pagpapalawig sa expiration ng passport at driver’s license

GAWAIN 1 Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga programang ipinatupad ng mga pangulo na nakatala sa Hanay A. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot. HANAY A HANAY B ______1. Benigno Aquino III A. Build,Build,Build Program ______2. Corazon C. Aquino B. KALAHI Program ______3. Gloria Arroyo C. Free Public Secondary Education Act ______4. D. K to 12 Program ______5. Rodrigo Duterte E. Poverty Eradication Program F. Presidential Anti-Crime Commission

AP6-Q4-WK 7 ARALIN 1: MGA KONTEMPORARYONG ISYU Ang kontemporaryong isyu ay hango sa dalawang salita ang KONTEMPORARYO na ang ibig sabihin ay kasalukuyan at ISYU na nangangahulugang suliranin, tema o paksa na may epekto sa lipunan, bansa o sandaigdigan. Ito ay mga pangyayari na nagdudulot ng pagbabago sa kalagayan ng ating lipunan, bansa o mundo sa kasalukuyang panahon na may kaugnayan sa anumang pangyayari na pinag-uusapan, na nagiging dahilan ng debate o pagpapahayag ng opinyon na may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan. Ang mga pangyayaring ito ay may kaugnayan sa lipunan, kapaligiran, karapatang pantao, ekonomiya, politika, edukasyon, pananagutang pansibiko at pagkamamamayan.

ISYU NG TERRITORIAL DISPUTE Territorial Dispute o suliraning may kinalaman sa hangganan ng teritoryo bansa. Ito ay nagaganap kung may dalawa o higit pang mga bansa ang umaangkin ng isang lupain, o katawang-tubig. Kadalasang may kinalaman sa kasaganaan ng likas na yaman sa pinagaagawang teritoryo (Halimbawa na lamang ang kaso ng Spratly Islands na kilala sa Pilipinas bilang Kalayaan Group of Islands) sa West Philippine Sea.Noong Hulyo 12, 2016 nagpasiya ang Permanent Court of Arbitration (PCA) PABOR sa Pilipinas. Nilinaw nito na hindi ito "...mamamahala sa anumang katanungan ukol sa soberanya sa panlupang teritoryo at hindi nito magtatakda ng alinmang hangganang pandagat sa pagitan ng mga Partido". Nagpasiya rin ang húkuman na "walang pangkasaysayang mga karapatan" (Historical Rights) ang Tsina batay sa "siyam na gatlang na guhit" (Nine Dash Line) sa kanilang mga mapa.

ISYU NG KORAPSYON Ang korapsyon ay isang uri ng pagnanakaw sa kaban ng bayan sa mga buwis na naibabayad ng mga mamamayan. Nagkakaroon ng korapsyon sa ating pamahalaan dahil sa pansariling interes at pangangailang pinansiyal. May iba't ibang uri ng korupsiyon sa Pilipinas. 1. Ang pagtakas sa pagbabayad ng buwis, Ito ay talamak partikular na sa pribadong sektor dahil sa pagtanggi ng mga nagnenegosyong pribado na dapat na ideklara ang kanilang taunang kinita at magbayad ng mga angkop na buwis sa pamahalaan.

2. Mga ghost projects at payroll. Ito ay ginagawa ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan kung saan ang mga hindi umiiral na proyekto ay pinopondohan ng pamahalaan samantalang ang mga hindi umiiral na tauhan ng pamahalaan o mga pensiyonado ay binabayaran ng mga sahod at allowance.

3. Pagtakas o pag-iwas sa subasta sa publiko ng pagkakaloob ng mga kontrata, Ang paglisan ng mga opisina ng pamahalaan partikular na ang mga komite ng mga subasta at pagkakaloob ng mga kontrata sa pamamagitan ng subasta sa publiko o pagkakaloob ng mga kontrata sa mga pinaborang mga negosyo o kontraktor na makapagbibigay sa kanila ng mga personal na benepisyo.

4. Pagpasa ng mga kontrata, Sa pagtatayo ng mga proyekto ng imprastruktura, ang mga kontraktor ay may kasanayan ng pagpasa ng mga trabaho mula sa isang kontraktor tungo sa isa pa.

5. Nepotismo at paboristismo, Ang mga matataas na opisyal ay maaaring maglagay o humirang mga kamag-anak at kaibigan sa mga posisyon ng pamahlaan kahit pa hindi kwalipikado.

6. Pangingikil (extortion), ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan laban sa kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng paghingi ng salapi, mahahalagang mga bagay o mga serbisyo mula sa mga ordinaryong mamamayan na nakikipagtransaksiyon sa kanila, at

7. Panunuhol (bribery). Ang sistemang lagay o suhol na ang mga mamamayan ay nanunuhol o naglalagay sa mga opisyal ng pamahalaan ay tumatagal dahil sa byurokratikong red tape.

ISYU SA GENDER IDENTITY Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki. Sa simpleng pakahulugan, ang salitang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos., kung siya ay lalaki o babae o pareho.

ISYU SA DROGA May mga taong gumagamit ng droga dahil may gusto silang baguhin sa buhay nila. Akala nila na ang mga droga ay solusyon. Ngunit kalaunan, ang mga droga ang nagiging problema. Sa kabila problemang kinakaharap sa droga, naglunsad ng Kampanya laban sa iligal na droga sa Pilipinas, na kilala rin bilang Oplan Tokhang (mula sa salitang Cebuano na tuktok o katok at hangyo o manghimok) at Oplan Double Barrel, ay isang digmaan laban sa droga noong Ika- 1 ng Hulyo, 2016 mula nang umupo bilang pangulo ang dating alkalde ng Davao na si Rodrigo Roa Duterte. Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ahensya ng pamahalaan na naatasang manguna laban sa iligal na droga. Ang ilan sa mga inaabusong illegal na droga ay ang sumusunod; alcohol, marijuana, shabu, cocaine, heroin, ecstacy rugby at iba.

ISYUNG PANGKABUHAYAN Ang Globalisasyon ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig (Ritzer, 2011). Sinasalamin nito ang makabagong mekanismo upang higit na mapabilis ng tao ang ugnayan sa bawat isa. Itinuturing din ito bilang proseso ng interaksyon at integrasyon sa pagitan ng mga tao, kompanya, bansa o maging ng mga samahang pandaigdig na pinabibilis ng kalakalang panlabas at pamumuhunan sa tulong ng teknolohiya at impormasyon. Dahil sa pag-unlad ng teknolohiya at mga polisiyang ipinatupad sa mga nagdaang taon napabilis nito ang palitan ng kalakal, impormasyon, serbisyo, pamumuhunan at maging ng migrasyon.

Ang Outsourcing ay tumutukoy ang sa pagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. Pangunahing layunin nito na mapagaan ang gawain ng isang kompanya upang mapagtuunan nila ng pansin ang sa palagay nila ay higit na mahalaga. Maaaring uriin ang outsourcing batay sa uri ng ibinibigay na serbisyo tulad ng Business Process Outsourcing na tumutugon sa prosesong pangnegosyo ng isang kompanya. Nariyan din ang Knowledge Process Outsourcing na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.

ISYUNG PANGKAPALIGIRAN (Climate Change) Ang Climate Change ay pagbabago ng klima o panahon na nagdudulot ng pagbabago sa lakas at haba ng tag-ulan at dalang ng pag-ulan. Nagdudulot ito ng mga kalamidad tulad ng heatwave, tag tuyot, matitinding bagyo at baha. Ayon sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama (2008), na nararanasan na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Patunay nito ang madalas at matagalang kaso ng El Niño at La Niña. Sa ating bansa, kapag may La Nińa mas mahabang at mas malalakas na ulan na may kasamang pagbaha, pagtaas ng tubig alat at mas marami ang sakit ng palay dahil sa mahalumigmig na panahon. Kaya ang mga magsasaka sa ating bansa ay naaapektuhan tuwing La Niña at nagdudlot ito ng matinding pinsala kung hindi ito mapaghahandaan. Samantala, ang El Niño ay kabaligtaran ng La Nina dahil ito ay nagdudulot ng matinding tagtuyot, at forest fires. Ilan sa mga dahilan ng Climate Change ay Global Warming, ito ay tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng temperatura ng himpapawid o karagatan. Dahil sa mga usok na ibinubuga ng mga pabrika, ibat-ibang industriya at pagsusunog ng kagubatan. Solid Waste o mga basurang itinatapon araw araw. Deforestation o pagpuputol ng mga puno sa kagubatan. Water Pollution o pagtatapon ng basura sa karagatan, pagtagas ng mga nakalalasong kemikal sa mga daluyan ng tubig. Air Pollution o mga usok na ibinubuga ng mga pabrika, industriya, mga sasakyan at pag susunog ng mga plastik, basura at kagubatan. Greenhouse gases o Ibat- ibang uri ng gas na naipon sa atmospera na pumipigil sa init ng araw na makabalik sa kalawakan. Ito ang bumabalot sa ating daigdig kung kayat patindi ng patindi ang init na ating nararanasa. Ilan sa mga halimbawa nito ang Carbon Monoxide at Carbon Dioxide (CO2) at Chloroflourocarbons (CFC).

GAWAIN 1- KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ito ay nagsasaad ng kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu at MALI kung hindi. ______1. Nagiging bahagi tayo ng solusyon sa mga nararanasang problema sa ating komunidad lalo na tuwing may pagbaha, o tagtuyot na sanhi ng Climate Change. ______2. Nalalaman natin ang kalagayan at kahalagahan ng mga pangyayari sa ating bansa gaya ng paglalagay sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine, Bubble Plus at iba pa sa buong panahon ng Covid-19 pandemic. ______3. Pagiging “one-sided” ng tao sa mga usaping may kinalaman sa sariling kapakanan at hindi iniintindi ang opinyon at kalagayan ng iba. ______4. Nauunawaan natin kung bakit may mga taong nakikibaka at naghahayag ng kanilang mga saloobin sa kalye at sa iba pang lugar. ______5. Natututo tayong balewalain ang kultura ng ibang lahi o komunidad dahil salungat ito sa ating pananaw at paniniwala.

GAWAIN 3 Isyu sa Gender Identity at Ilegal na Droga Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap. _____1. Ang paggamit ng iligal na droga ay solusyon sa problemang kinakaharap sa buhay. _____ 2. Sa panahon natin ngayon ang pagtatanggol sa pamilya mula sa kapahamakan ay tungkulin ng kalalakihan. _____ 3. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. _____ 4. Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal. _____ 5. Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang ahensya ng pamahalaan na siyang naatasang manguna laban sa ilegal na droga.

GAWAIN 4- Isyung Pangkabuhayan at Pangkapaligiran Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Lagyan ng () kung ito ay tumutukoy sa isyung pangkabuhayan (X) naman kung isyung pangkapaligiran. _____ 1. Ang deforestation o pagkakalbo ng mga puno sa ating kagubatan ay itinuturing din na sanhi ng pagtaas ng temperatura ng mundo na nagreresulta ng climate change. _____ 2. Ang malalakas na bagyo ay nagdudulot ng pagkawasak ng mga tirahan, sakahan, at iba pang ari-arian. _____ 3. Pagtutulungan ng mga bansa sa larangan ng ekonomiya, pulitika at seguridad. _____ 4. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers sa ibat-ibang mga bansa upang maghanapbuhay. _____ 5. Pagpasok ng mga Multinational Companies sa ating bansa.

AP6-Q4-WK 7-QUIZ Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem. Isulat ang wastong sagot sa patlang. 1. Tumutukoy ito sa mga isyung nagaganap sa kasalukuyan na may malinaw na epekto sa ating lipunan? ______

2. Ano ang tawag sa proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksiyon na nararanasan sa iba’t ibang panig ng daigdig? ______

3. Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa haba ng tag-ulan at dalang ng pag-ulan. Nagdudulot din ito ng mga kalamidad tulad ng heatwave, tagtuyot, matitinding bagyo at baha. ______

4. Ano ang tawag sapagkuha ng isang kompanya ng serbisyo mula sa isang kompanya na may kaukulang bayad. ______

5. Ano ang naidudulot ng pagtaas ng antas ng carbon dioxide na naiipon sa atmospera ng mundo? ______

6. Sino ang nagpatupad ng programang Digmaan Kontra Droga o War on Drugs ? ______

7. Ano ang tawag sa uri ng outsourcing na nakatuon sa mga gawaing nangangailangan ng mataas na antas ng kaalamang teknikal tulad ng pananaliksik, pagsusuri ng impormasyon at serbisyong legal.? ______

8. Ang ______ay isang uri ng korapsyon na kung saan nagbibigay ang mga mamamayan ng salapi o regalo upang impluwensyahan ang mga aksyon ng isang opisyal o mga taong tumatanggap nito.

9. Ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki? ______

10. Ito ay gawi ng panahon na nagdudulot ng matinding tagtuyot at forest fire. ______

AP6-Q4-WK 8 ARALIN 1: Mga Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan

MAHAHALAGANG GAMPANIN NG PAMAHALAAN  Pambansang Siguridad- Ang kapayapaan at katahimikan ng buong bansa ay sinisikap makamit ng pamahalaan kaya sinisiguro nito ang panloob at panlabas na kaligtasan.

 Katatagang Politikal- Napakahalaga sa isang malayang bansa na napapakinggan ang opinyon at mungkahi ng nakararami upang mapadali ang pagpapatupad ng mga batas.

 Kapakanang Pansibiko. Tinutugunan ng pamahalaan ang mga pangunahing serbisyo tulad ng pabahay, mga bahay-ampunan, pangangailangang medikal, edukasyon at iba pa.

 Katatagang Pang-ekonomiya. Iba’t ibang hakbang at programa ang ginagawa ng pamahalaan upang mapabuti at mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino.

MGA GAMPANIN NG MAHUHUSAY NA MAMAMAYAN  Paunlarin ang Sarili at Maging Produktibo- Ang mahuhusay na mamamayan ay yaman ng bansa.

 Pagbabayad ng Buwis – Ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga programa para sa pagtataguyod ng kaunlaran.

 Tamang Paggamit ng mga Karapatan at Kalayaan –Kapag alam ng isang tao ang wastong paggamit ng kanyang mga karapatan, naigagalang din nito ang karapatan at kalayaan ng iba.

 Pangagalaga sa mga Pampublikong Pag-aari. Ang mga gusali kalsada at iba pang pag-aari ng pamahalaan na napapangalagaan ay matagal na napapakinabangan ng lahat.

Pagtangkilik sa Produktong Pilipino- Magbibigay ng maraming hanapbuhay kung tinatangkilik ng mga Pilipino ang sariling produkto at kultura.

 Matalinong Pagboto Ang mahuhusay na pinuno ay mahalaga sa mabilis na kaunlaran kaya mahalaga na maging matalino sa pagpili ng mga mamumuno. 

Paggalang sa Batas –Tungkulin ng bawat isa na sundin at igalang ang mga batas na ipinatutupad ng mga namumuno.

 Matapat ang Paglilingkod- Ang taong may mabuting saloobin sa paggawa ay masayang nagagampanan nang wasto ang mga gawain sa takdang oras.

 Pangangalaga sa Kapaligiran -Ibinibigay ng kalikasan at ng kapaligiran ang lahat ng pangangailangan ng tao

GAWAI 1 Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang P kung ang pahayag ay tumutukoy sa gampanin ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng bansa at M naman kung gampanin ng mamamayan.

_____1. Ang “Bayanihan to Heal as One Act” ay ipinatupad upang kagyat na matugunan ang suliranin na dulot ng pandemya.

_____2. Hati-hati sa mga gawain sa tahanan ang magkakapatid kaya, tuwing umaga kapansin-pansin na nagwawalis sa tapat ng kanilang bahay si Buboy. Dahil dito, hinahangaan siya ng kanyang mga kaibigan. _____3. Hindi lingid kay Maymay ang hirap na dinaranas ng kanyang mga magulang para lamang siya makapag-aral. Bilang pagpapahalaga sa pagsisikap ng kanyang mga magulang, sinisikap niya na mag-aral nang mabuti. _____4. Itinatag ang National Irrigation Administration upang magkaroon ng regular na panustos ng patubig sa mga sakahan. _____5. Sinisikap ng mga pamahalaang panlalawigan na mabigyan ng pagkakataon ang maliliit na mamumuhunan sa mga pamayanang rural na makapagsimula ng sariling industriya na pagkakakitaan kaya itinatag ang Livelihood Multi-Purpose Loan

ARALIN 2: Aktibong Pakikilahok ng Mamamayan sa Programa ng Pamahalaan Tungo sa Pag-unlad ng Bansa Ang mga ginagampanan ng mga mamamayan bilang bahagi ng lipunan at aktibong pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan ay mahalagang kontribusyon sa pag unlad ng isang bansa. Ang mga programang ipinatutupad ng pamahalaan tulad ng pangkalinisan, pangkalusugan, pangkapayapaan,pang edukasyon at iba pa ay para sa kabutihan at kagalingang panlipunan ng mamamayan. Ang pakikilahok sa lahat ng programa ng pamahalaan ay nakakatulong upang tayo’y maging kapaki-pakinabang at produktibong kasapi ng lipunan.

AP6-Q4-WK 8 QUIZ Gawain at Gampanin ng Pamahalaan at Mamamayan Gawain 1 Unawain Mo!

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang Pamahalaan sa patlang kung ang sitwasyon ay tumutukoy sa gampanin ng pamahalaan at Mamamayan kung gampanin ng mamamayan. ______1. Ang wastong paggamit ng mga karapatan at kalayaan ay isang paraan ng paggalang sa karapatan ng iba. ______2. Upang masiguro ang pambansang siguridad, isinabatas at ipinatutupad na ang Anti- Terrorism Act of 2020 sa buong bansa. ______3. Noong nakaraang taon, kumalat ang balita tungkol kay Tatay Gary Dabasol na mag- isang nagtanim ng sampung libong puno ng bakawan sa Matalom, Leyte. ______4. Mahalaga sa isang bansa ang mahusay at matapat na lider upang mapabilis ang pag-unlad ng nito. Kaya’t ang pagpili ng karapat- dapat na pinuno sa mga posisyon sa pamahalaan ay mahalaga. ______5. Buwan pa lamang ng Nobyembre, abala na ang mga residente sa ibat ibang Lungsod ng Metro Manila upang magbayad ng buwis. ______6. Ang pakikinig sa opinyon ng nakakarami ay nagpapakita ng matatag na kalagayang pampolitika ng isang bansa. ______7. Maraming mga programa at pagsasanay ang ipinapatupad upang magkaroon ng pagkakakitaan ang mga nawalan ng hanapbuhay sa panahon ng pandemya. ______8. Inspirasyon na pagmasdan ang mga taong maayos na tumatawid sa itinakdang tulay tawiran sa panulukan ng EDSA at Taft Avenue. ______9. Kaliwa’t kanan ang ipinapagawang mga bagong imprastraktura. Dahil dito mas mapapabilis ang pagpapatupad ng mga programa para sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa. ______10. Kung napapangalagaan ang mga kagamitan, ari-arian at istrukturang pampubliko mas makakatipid ang pamahalaan sa mga gastusin at magagamit pa ito sa iba pang pangangailangan.